"Alam ba ng dyos at dyosa na may supling ang kanilang anak?" Tanong ni Martha. "Maaring oo, maari namang hindi." Sagot niya. "Alas. Ikaw ba, nasaan ang iyong ina?" Bigla kong tanong kaya hindi niya ito inasahan. "Matagal na siyang wala. Pinatay siya ng mga kaluluwang nakalaban at napatay ng aking ama dati." "Bakit? Ang akala ko'y isa siyang dyosa?" "Oo. Ngunit ibinigay niya lahat ng kaniyang abilidad at kapangyarihan saakin na kaniyang anak." "Dahil sa sumpang nadikit sayo?" "Oo. At dahil sa kamatayang nag aabang saakin." "Maari ko bang malaman kung saan siya namatay? Ano ba ang pangalan ng iyong ina?" Kunot noo kong tanong. "Dito sa mundong ito namatay ang mga magulang ko.... at ako. Ang pangalan ng aking ina ay Edith. Siya ang nagpa-papasok at nagpa-palabas ng kung sino sakani

