LOUISE Kasabay ng malakas na pagsabog ay ang sobrang lakas na pagtawa. Tawa ng demonyo! Napuno ang tenga namin ng tawa nito kaya napatakip na lang ako ng tenga. “Hindi ang mga lapastangang tulad niyo ang makakatalo sakin! Hahahahahahaha!” Tawa nito. Inangat ko ang tingin ko, at kita ko sa taas ang itim na usok na naglalaro sa hangin. Para itong kaluluwa! Lahat ng mga naglalaban ay natigilan. Ang mga kampon ng kadiliman naman ay lumuhod para sambahin ito. Kingina, anong nangyayari?! Sinubukan ni Kendi na tirahin ‘yung itim na kaluluwa ng bow and arrow niya, pero tumagos lang ito, dahilan para lalong tumawa ang leche. “Aba, pagtatawanan pa ko!!!” Inis na sabi ni Kendi. Seryoso ang mga mukha ng lahat ng mga Levisians, pati na ang mga rebelde. Nararamdaman kong sa pagkakataong ito, purs

