LOUISE Madilim na. Papunta na ako sa dorm nang makita ko sa di-kalayuan si Layn at Seb. Naglalakad sila habang nag-uusap. Nakangiti si Layn habang si Seb naman ay nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay. Ilang hakbang na lang ay makakasalubong ko na sila. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil patuloy sila sa pag-uusap. Wala na akong balak pang pansinin sila nang biglang may umakbay sa akin. Halos mapatalon ako sa gulat. "Hi," Bati nito sa akin, showing his full white teeth. Kevin. "Ito nga pala si Law, under ng Dark element." "Hi, gorgeous." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito, "Ikanagagalak kitang makilala." Namimilog ang mga mata kong tinignan siya kasabay ng paghila ko sa kamay ko mula sa kanya. Sinimangutan ko na lang siya. "Hoy, Law. Behave ka nga dyan." Nakas

