LOUISE Parang mababaliw na ako. Galit sa akin si Paris, tapos nakita ko pa ang tunay kong ina. At kinakausap niya ako ngayon. Matagal na rin ang huling pag-uusap namin at nagtalo pa kami nun. Kaya ngayon, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Sa sobrang kaba ko, tinakbuhan ko siya at nagtago ako sa room ng mga staffs. Nang makita kong lumabas na siya, lumabas na rin ako at humingi ng pasensya sa mga staffs na nandoon. Grabe talaga ang kaba ko. Hindi ko pa siya kayang harapin. Babalik na dapat ako sa table nang mapansin kong wala sina mum at dad doon. Tinanong ko si Louie. "Nag-cr daw. Check mo na lang." Nagtaka naman ako. Hindi naman pumasok ng comfort room si mum. Nilock pa nga ni Paris ang door doon eh. Medyo sumilip naman ako sa cr ng mga lalaki. Napataas ang isang kilay k

