Agad akong napalingon sa taong humawak sa'king braso. Nakita ko ang lungkot at takot na nag-uumapaw sa mga mata nito. "I'm sorry. .." Tinignan ko ang kamay niya na nakalapat sa'king braso. Galing sa pagpatay. Masama siya. Pero masama bang sabihin ko na gusto ko ang pakiramdam na hawak ako nito? Bakit parang tama lang na ganito? "Galing ka sa pagpatay. .." Tumulo ang luha sa'king pisngi. Hindi ko alam kung para sa takot iyon o panghihinayang dahil siya ay nakapatay. Dahil mali ang ginawa niya. Tila napaso siya at agad na tinanggal ang kamay nito sa braso ko. "I'm sorry if I touch you with my dirty hands. .." Aniya at itinago ang kamay nito sakanyang bulsa. Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ngunit hinayaan ko na lang. "Hindi mo dapat nakita 'yon." Ngayon, hindi na ito makatingin sakin

