3RD PERSON Tahimik ang lahat habang nasa kani-kanilang sasakyan sila Marcus at Greg. Lahat sila ay kinakabahan para sa pwedeng mangyari. Kung pakikipaglaban lang ang usapan, tiyak ay panalo na sila. They now how capable and powerful they are. Lalo na’t marami silang tauhan na kasama. Ngunit may buhay na nakasalaylay dito—buhay ni Lumiere. Itinigil nilang lahat ang sasakyan malayo sa target area. Kailangan nilang maglakad upang hindi agaw pansin ang mga tauhang bitbit nila. Tahimik silang naglakad sa mapunong lugar at humahalo sa dilim. May suot silang earpiece para matawagan ang kabilanf panig—sila Greg. Pumunta ito sa kanang bahagi ng gubat at doon ikinalat ang tauhan. Samantalang si Marcus ay nasa kaliwa. Ang balak nila ay palibutan ang target area bago tuluyang sumugod ang iba

