"No. Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon." Tumingin muli ako sa baba. Nandito ako ngayon sa veranda at eleven na ng gabi. But still, Marcus didn't show up. Kagabi pa siya umalis. And now? Gabi na ulit! "What?!" Rinig kong sigaw ni Rama. "Oh, shut up Rama!" Saway ni Verix. "Oh, you two--shut up!" Sigaw naman ni Avy. Nang tumahimik ay muli siyang nagsalita. "Hello? Elicia?" "Ah, yes. Still here." Rinig ko ang pagbuntong-hininga nilang tatlo sa kabilang linya. "Guess we have to find him. Prepare yourself." "Huh? Teka. .." Then they cut the line. Napabuntong hininga naman ako at umiling. Wala akong nagawa kundi mag-ayos at ilang minuto pa lang ang lumipas ay nakarinig ako ng busina. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Avy. Pero hinila ako nito papasok ng sasakyan at may pinindo

