“Akala namin imi-maintain mo na si Rita,” ani Nite. “Just used her para makalimutan ko si…” hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko. I don’t want to tell any details, I cannot let anyone know what I feel for Chloe at gagamitin nilang kahinaan ko siya. Nahalata na ako ni Lev at si Logan ay alam din na kursunada ko si Chloe. Tama na si Logan lang ang nakakaalam, Logan is enough at hindi ako ilalaglag no’n. At si Lev… hindi ako aamin kahit ano pa sabihin niya. “You have your share of women, Boss Trace. Wala ka bang sineryoso? Wala ka ba pinanghinayangan na nawala sa ‘yo?” tanong pa ni Nite. Napatingin ako sa kaniya. Anong problema ni Nite at mukhang interesado sa pambababae ko ngayon? I didn’t answer at tinitigan lang siya na muling inubos ang laman ng beer mug na hawak niya. Mukhang may tama

