“IKAW BA, MIGO? Have you ever fell in love?” Naging bukas sa kalooban ni Iñigo ang pagtanggap sa alok ng RnJ sa kanya at kakaibat niyon sa isipan niya na hindi siya maaaring umibig sa kahit na sinong babae. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang trabaho higit sa anumang bagay. Pero ang katanungang iyon ni Marga ang talagang nagpatigil sa mundo niya. Naranasan na nga ba niyang magmahal at mahalin? “Ano ba namang klaseng tanong ‘yan?” iwas ang tingin niyang sagot dito. “Seryoso kasi ako. . .” untag ni Marga. “Miss Marga, wala sa usapan natin ang magtanong ng personal at nasa kontrata ‘yan. Alam mo naman iyon, ‘di ba?” dahilan ng binata. Pero hindi naman talaga iyon masyadong personal iyon kumpara sa mga bagay na itinatanong ng iba niyang naging kliyente. It’s just that he couldn’t see hi

