Nagkaupo si Bethany sa may lilim ng makaking puno sa may tabing ilog habang pinagmamasdan sina Dawn at Abby na aliw na aliw sa paglangoy. Tanghaling tapat na pero nasa ilog pa din nga mga ito na para bang walang kasawaan. "Natanggap na kaya ni Ashley ang padala natin?" tanong ni Abby, at tinignan si Dawn na lublub ang katawan sa ilog at ang ulo lang ang nakalabas. " I heard pabalik na si Uncle Charlie kaya siguro naman natanggap niya na," kaswal na sagot ni Dawn, at inahon sa tubig ang kanyang buong katawan "Hindi ka pa na nagugutom? Nagugutom na ako," Tumawa ng mahina si Dawn. "Gutom na din ako. Kaya ang mabuti pa ay umahon na tayo nang makapunta na tayo sa may ubasan. I asked Bethany na sabihan si Aunt Rebecca na padalhan tayo ng pananghalian sa ubasan." "At bet. Ang galing mo

