Nakaupo si Dusk sa may harden at nakatanglaw sa mga bituin sa may kalangitan nang biglang tumabi sa kanya si Austin. "I already talk to Herwen," sabi ni Austin sa kanya, at napatingin sa langit ng may lumbay sa mga mata. "Napakasama kong anak at kapatid," wika ni Dusk sa kanya, at napabuntong hininga. "Huwag mo sabihan iyan. Hindi ka masama. Nagkamali ka lang, nawala at naligaw. Subalit hindi ibig sabihin ay masama ka. Minsan talagang may pagkakataon na nawawala tayo sa tamang landas at napapariwara. Tao lang tayo, Dusk, our feelings and judgment sometimes clouded the way we talk and decide. You have to understand your brother. Herwen adores and loves Dawn so much so he's definitely be hurt seeing you here and not seeing Dawn too. Ikaw na lang ang umunawa dahil ikaw naman ang nagkasala.

