Kabanata 01: The Accident

2070 Words
SERAPHINA “Sera” MORTEZ'S POINT OF VIEW “Yuki! Jusmiyo! Alis! Shoo! Shoo! Uwi!” Malakas ang boses ko habang tumatakbo ako palapit sa isang pamilyar na asong nakikipag chukchukan sa daan. Lukot na lukot ang mukha ko habang hawak ko ang payong ko't ginagamit iyon para paglayuin ang dalawa dahil hindi pa naman sila totally na magkadugtong. Dinuro ko si Yuki, ang babae naming aso na mabalbon at hiningi pa ni Papa sa amo niya sa trabaho. “Ang landi mong aso ka! Wala tayong ipapakain sa magiging anak mo kapag nabuntis ka!” inis na sabi ko. Napaungot naman si Yuki at halatang nabitin dahil hindi nangyari ang gusto nito. Umakto naman akong papaluin ang lalaking aso, kaya kumaripas na ito ng takbo palayo. Pinandilatan ko ng mata si Yuki. “Ikaw?! Wala ka bang planong umuwi? Huh?!” Natakot ito kaya hayun at nagtatakbo na siya papasok sa bahay naming kahoy at pasira na. Sumunod na rin naman ako't mabilis nang pumasok. Una kong nadatnan ay ang Papa kong hawak-hawak ang cellphone at mukhang o-online sugal na naman. Kunwari akong tumikhim, kaya naman mabilis siyang napaharap sa akin at namumutla pa. “S-Sera!” Tinago niya ang cellphone. “Kanina ka pa?” tanong niya. Umiling naman ako. “Kakarating ko lang po,” magalang kong tugon. Pero ang totoo ay gusto ko na talagang isumbong siya kay Mama. Mukha kasing naadik na siya sa online sugal na 'yan. Tinaasan niya naman ako ng kilay na para bang walang nangyari at wala akong nakita. “Oh? Edi pumasok ka na. Ano pa bang tinutunganga mo diyan? Tambak ang hugasin sa kusina, hugasan mo na bago ka magluto.” Ngumiti naman ko. “Sige po, akong bahala.” Matapos marinig ang sagot ko. Ay bumalik na siya sa kanina ay ginagawa niya. Wala man lang siyang balak na tanungin ako kung kamusta ba ang araw ko. Kung ok lang ba ako, kung pagod ba ako, o ano ang gusto kong ulamin ngayong gabi. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dahil dumeretso na ako sa kusina. Nasa pinto pa lang ako pero tanaw ko na ang tambak na mga hugasin at mukhang tumigas na. Talagang hinintay pa nila akong makauwi, hindi man lang sila nagkusa na hugasan ito. Pagod ako galing sa school, sobrang drain ako 'tapos heto pa ang sasalubong sa akin paguwi. Sanay naman na ako sa trato nila sa akin na para bang ibang tao ako, pero nakakalungkot pa rin. Habang naghuhugas ako ay napadaan naman si Mama. Kita ko agad ang pagsimangot niya nang makita niya ako. “Talagang sumusobra ka na ano? Sinong babae ang uuwi nang gabi?! Ha?! Jusko naman, Sera! Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo lang ang dala mo sa akin!” agad na sermon niya sa akin. Pero alas sinco pa lang, Ma. Gusto kong isagot 'yan sa kaniya. Pero kahit gaano ko kagusto ay nanatili pa rin akong tahimik, dahil alam kong wala namang magandang maidudulot ang pagsagot ko. Hindi niya naman ako pakikinggan. “Pasensya na ho, Ma. Matagal lang natapos ang klase.” “Tsk! Bilisan mo na diyan! Pauwi na si Hera, pero wala ka pa ring naluluto,” masungit niyang sabi bago ay mabibigat ang bawat hakbang na naglakad palayo. Napapailing na lang ako. Si Hera ay mas bata ng dalawang taon sa akin. Twenty six years old na ako, pero graduating pa lang ako ng college, at ka-batch ko si Hera. Huminto kasi ako ng dalawang taon sa pagaaral dahil pinatigil ako ni Mama. Wala naman akong choice, kaya sa mga panahon na 'yon ay nag-trabaho na lang ako. Matapos kong maghugas ay agad na tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. Hindi na naman kasi ako nananghalian kanina sa school, dahil tinitipid ko ang baon ko. Agad na akong nagluto ng pagkain. Nagsalang ako ng sinaing at the same time ay nagluluto ako ng corned beef na galing sa ayuda na bigay ng munisipyo. “Ma, luto na. Mauna na kayong kumain,” tawag ko sa kanila bago ay naglakad papasok sa kwarto kong papasira na ang dingding at butas na ang bubong. Nagbihis na ako, pero hindi muna ako lumabas. Hinintay ko muna na matapos silang kumain. Alam ko kasi na ayaw nila akong isabay... palagi kasing ganito ang routine namin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit sa akin ng Mama at Papa ko. Simula pa noong bata ako, ay ganito na nila ako tratuhin. Hindi ko ma-gets, kung paanong kinakaya nilang tratuhin ng gan'to ang anak nila. Tinanong ko naman sila kung ampon ba ako pero ang sagot nila ay hindi naman daw, kahit pa mag pa-DNA ako ay magkakadugo pa rin kami. Malakas akong nabuga ng hangin. “Hay buhay. Favorite mo talaga akong bigyan ng challenges, Lord 'no?” tanong ko kay Lord habang nakatingala ako sa butas na bubong. Kasyang-kasya ang ulo ko, dahil sa sobrang laki nito. Nang marinig kong tapos na sila ay lumabas na ako ng kwarto. Gutom na gutom na kasi talaga ako. “Ma, natirhan niyo ba ako ng pagkain?” Lumapit ako sa kaniya. “May pagkain pa diyan, kaso kay Hera na 'yan. Nakalimutan ka kasi naming tirahan.” Mapakla siyang tumawa. Napayuko na lang ako. Para kay Hera 'yon, of course hindi nila 'yon ibibigay sa akin. “Sige pala Ma, matulog na lang ako.” Tinaasan niya naman ako ng kilay. “Edi matulog ka. Ano pang sinisimangot-simangot mo diyan? Galit ka ba kasi 'di ka natirhan ng ulam? Ha?!” Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi, Ma!” “‘Wag mo kong pinapakitaan ng mga ganyan mong ekspresyon, Sera. Magtrabaho ka, para may makain ka! Punyeta, gabing-gabi pero binubwisit na naman ako.” Napabuntong hininga na lang ako. Pumihit na ako patalikod sa kanila nang marinig ko ang pagdating ni Hera. Galing itong school. “Hello everybody!” Mabilis naman siyang nilapitan nina Mama at Papa. “Napakaganda nga naman talaga ng anak namin! Kahit pagod galing sa school ay hindi pa rin kumukupas ang ganda!” hinalikan siya ni Mama at Papa sa pisngi. “Oh siya, kumain ka na muna 'ron, Hera. Masarap ang ulam na tinira namin para sa'yo,” malambing na sabi ni Mama. Nakagat ko na lang ang ibabang-labi ko bago ay naglakad na papasok sa kwarto. Nakatunganga lang ako atsaka hinayaan ang utak ko na magisip-isip. Iyon ang trato at pakikitungo na gustong-gusto kong maranasan sa kanila. Iyon bang itinuturing din nila akong prinsesa nila. Hindi ko alam kung bakit ipinagkakait nila ito sa akin. Anak din naman sana nila ako, pero bakit ganoon? Bakit iba 'yung ipinaparamdam nila sa akin. Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko nagawang umiyak. Sanay na kasi ako sa ganitong trato nila sa akin. Pero kahit gan'on, ay hinahanap pa rin ng puso ko ang kalinga na binibigay nila kay Hera. Sinampal ko naman ang magkabilang pisngi ko bago ay kinurot-kurot pa ito. “Nako, Sera. Sanay ka na! Matibay ka, hinding-hindi ka patutumbahin ng sitwasyon na ito. Favorite ka kaya ni Lord!” humagikhik pa ako matapos ibulong ang mga ito. Mas mabuti pang matulog na lang ako, kesa magisip ng mga walang kwentang bagay. Maaga pa kasi ako bukas dahil may event na gaganapin sa school. — “Ma, papasok na po ako,” paalam ko kay Mama. Malakas ang boses ko dahil hindi ko siya mahanap. Baka kasi nasa kwarto nila, or sa ilang sulok ng bahay kaya mas ok na sumigaw para marinig niya. Ilang segundo akong baghintay, pero wala namang sumasagot. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil mal-late na talaga ako. Need ko kasing manghingi ng one hundred sa kaniya ngayon dahil may babayaran, at hindi na kasya ang naipon kong pera para bayaran pa 'yon. “Ma?” tawag ko ulit sa kaniya. Akmang aalis na ako, pero narinig ko naman ang papalapit na yabag. Nang harapin ko ang direksyon 'non, ay bumungad sa akin si Mama na may hawak na cellphone at mayroong tuwa na nakabalatay sa mukha. Nakatingin siya sa akin. Agad niya akong tinaasan ng kilay nang makita ang bag na suot ko. “Ma, alis na ko—” “Hindi ka aalis,” madiin niyang sabi kaya naman kumunot ang noo ko. “Ha? Anong hindi—” “Tumigil ka na sa pagaaral mo, Sera." Mataray niya akong tinignan mula ulo hanggang paa bago siya ngumisi. “May mas magandang buhay na naghihintay para sa'yo.” Nakaramdam ako ng kaba dahil sa inaakto at sinasabi niya. Pilit akong tumawa. “Ma, naman. Ang aga-aga pero binibiro mo na naman ako—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko. Nagulat pa ako dahil sa ginawa niya. “Hindi ka aalis, naiintindihan mo?!” Napasinghap ako. For the first time ay nagkaroon ako ng lakas para hawiin ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Papasok na po ako,” paguulit ko bago ay mabilis na naglakad palabas. “Sera! Bumalik ka ditong letse ka! Sinasabi ko sa'yo! Sera!” Nagbingi-bingihan ako. Tumakbo na ako palayo sa bahay namin. — Ano na naman bang problema ni Mama? Jusko, mukha naman sana siyang good mood, pero bakit sa akin na naman niya ibinubunton ang pagkainis niya? Naiiling na lamang ako habang naglalakad ako. Hinding-hindi na akong makakaabot sa event. Naglakad kasi ako, at malapit na ako sa school now. No choice kasi ako, lalo na't hindi ako nakahingi ng pera kay Mama. Mukhang tangang ginulo ko na lang ang buhok ko. “Kahit kailan ka talaga, Seraphina! Nako naman!” Kinakausap at sinisermunan ko pa ang sarili ko habang naglalakad ako. Hays! Lord naman, panibagong pagsubok na naman ba ang weather-weather na mood ni Mama? Napanguso na ako habang naglalakad. Ilang hakbang na lang, ay malapit na talaga ako sa back gate ng school. Nakikita ko na ang sarili ko na papasok sa room, sesermonan ni Ma'am Feriols at pagtatawanan ng mga kaibigan ko. Pero mukhang hindi 'yon ang magaganap... dahil ilang hakbang lang ang layo mula sa akin, ay nasaksihan ko kung paanong may humintong itim na van sa tapat ng isang matanda, pagkatapos ay sinaksak ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ipapasok nila sa loob ang matanda. Oh my God?! Kidnapping ba 'to?! Hala! Nataranta ako't hindi na nakapagisip pa ng maayos. Basta na lang kumilos ang katawan ko patakbo sa kanila habang sunisigaw. “Ahh! Mga kidnapper! Bawal 'yang ginagawa niyo! Jusko! Bitawan niyo siya!” malakas na sigaw ko. Napunta na sa akin ang atensyon nila. Mga may tabil sa mukha ang mga kidnapper, pero masasabi ko na mga lalaki ito. Nang makalapit ako ay agad kong binato sa kanila ang bag ko na napakabigat dahil sa mga libro na laman nito. Lumapit ako sa matandang nanghihina dahil nasaksak ito. “Jusko po! Nay?! Ayos ka pa?! Hinga ng malalim Nay!” sigaw ko bago kinuha ang panyo na nasa bulsa ko. Nilapat ko 'yon sugat niya bago nilagyan ng pressure para pansamantalang tumigil ang pagdurugo. “T-ngina naman! Sino ka?!” galit na sigaw ng isa sa mga ito. “Ahh! Tulong! Tulungan niyo po kami! Tulong! May mga mamamatay tao!” malakas na sigaw ko nang mapansin na may mga sasakyang dumadaan. Nataranta naman ang mga lalaki na plano sana kaming damputin. Malakas ang t***k ng puso ko, isa-isa na silang pumasok ngunit natuon ang titig ko sa taong prenteng nakaupo sa look ng van at nakatitig din sa akin. Matagal akong nakatitig sa kaniya. Focus na focus kasi nang may i-spray ang kung sino sa mata ko—ay hindi ko ito naiwasan. “ARGHHH! AHHH! Ang mata ko!” malakas na sigaw ko nang makaramdam ng grabeng hapdi sa mata ko. Hindi ko alam kung anong ini-spray nila. Pero sobrang sakit at hindi ko na halos maimulat pa ito. “Arghh...” daing ko pa pero pinilit kong ituon ulit ang atensyon sa matandang hawak-hawak ko sa bisig ko. Humihikbi na rin ako sa sakit, nakapikit pa rin ako dahil hindi ko naman mamulat ang mga mata ko. “Nay, kapit lang,” paalala ko sa kaniya. Pero mukhang ako pa yata ang hindi kinaya ang hapdi at sakit na nararamdaman dahil ilang sandali lang ay nauna na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD