Kinakabahan ang bawat hakbang niya. Di niya alam kung paano haharapin si Eliot lalo na't magsisinungaling lang naman siya. Kahit papano ay nawala ang pamamaga ng mata dahil sa pa ulit ulit na paghilamos. Bawat hakbang niya papalapit sa huling baitang ng hagdan ay mas lalong tumitindi ang pangangabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung anong mukha ang ibubungad niya sa mga tao sa unang palapag. Ang hirap timbangin ng sitwasyon. May problema pang kinakaharap ang pangkat nila Eliot tapos dadagdag pa ito. Pinilit niyang tanggalin ang nalaman niya sa utak niya. Itinago sa pinakang kasulok sulokan ng utak niya kasi alam niyang hindi man siya mag salita ay ang utak naman niya ang kayang maglaglag sa kanila ng ginang. Maisip niya lang ang bagay na yun ay maaaring malaman na ni Eliot yun dahil sa

