Tatawa tawa akong nagpalit ng damit. Akala niya maiisahan niya ko. Di porket may koneksyon kami ay tinatakot niya na ako. May panggugulat pa siyang nalalaman. Paano kung atakehin ako sa puso non. Oa na kung oa sinasabi ko lang yung mga possibilities na pwedeng mangyari sa kin. Puno nang pang uuyam at pag hihimutok ang utak ko habang nagbibihis. Hayaan na nga yun nakgantia na din naman ako. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na din ako para puntahan siya sa salas. Naabutan ko siyang nanonood ng TV. Hindi matigil sa isang channel. Palipat lipat ito. Siguro di gusto ang mga palabas. "Hindi ka pa ba uuwi?" Bungad ko sa kaniya nang lingunin niya ako. "Pinaghintay mo ko tapos pa-uuwiin mo lang din naman pala ako. Sana sinabi mo na lang kanina para di na ko naghintay pa." Puno nang paghihimu

