Kabado si Dave habang naglalakad palapit sa opisina ng kanyang lolo. Alam niya kung ano ang dahilan kung bakit siya pinatawag nito. Marahil alam na ng lolo niya ang pagpunta ni Cassandra sa opisina at ang pagbubuntis nito. Gusto sana niyang iwasan at hindi na lang sumipot sa pagpapatawag ng lolo niya sa kanya, ngunit sino ba ang maaring tumangi sa isang tawag ng isang napakamakapangyarihan tao sa kompanya na kanyang pinagtatrabaho-an. Halos buong gabi siyang walang tulog sa kakaisip kung paano niya malulusutan ang mga bagay na kanyang kinakaharap ngayon. “Bakit naman kasi dumating pa itong si Cassadra sa buhay ko.” Sa loob-loob niya. Ang akala niyang one night stand lang at hanggang doon lang sa kama ang lahat, ay hindi niya akalain darating sa ganitong punto na gugulo masyado ang kanya

