PLEASE NAMAN ISANG HALIK LANG

4356 Words
Isang umaga, abala si Carlo sa pagpapagpag ng mga aklat na puno ng alikabok at pag aayos nito sa isang sulok ng library kung saan siya ng tatrabaho bilang library student assistant. May pasok siya mula 1:00 hanggang alas 6:00 ng hapon, kailangan niya matapos ang kanyang ginagawa bago magtanghalian. “ Excuse me” isang boses ng isang studyanteng lalaki ang narinig niya. “Anong book ang hanap mo?” tanong ni Carlo. “ahhh..ano” yun lang ang sagot ng studyante. “Anong course mo?” Usisa ni Carlo sa pag aakala niya na naghahanap ang studyanteng ito ng aklat. “Business Management” Sagot naman ng studyante. “Ahh doon sa kabila ang mga books na related sa course mo, halika ituturo ko sa iyo” Sabi ni Carlo. “No! hindi ako naghahanap ng book.” Mabilis na tugon ng studyante. “ I mean ikaw ang kailangan ko.” Dagdag pa nito. “Ako? Ano kailangan mo sa akin?” Tanong ni Carlo. “Ahh kasi ahhh” yun lang ang sagot ng studyante na halatang na iilang sa kanyang susunod na sasabihin. “May problima ba? Ano ba maiitulong ko” Tanong ulit ni Carlo. “Kasi dude, ahh pwede ba kitang mahalikan?” Nahihiyang sabi ng studyante. “ Halik? You mean, Kiss ganun?” Gulat na tanong ni Carlo. “ Isa lang, mabilisan lang.” sabi ng studyante. “Ikaw ha pi pagtitripan mo ako. Madami ako ginagawa, mag tatanghalian na, umalis ka na at baka makita pa tayo ni Madam Estacio baka akalain niya nakikipagdaldalan ako dito sa oras ng trabaho.” Ang patawang sagot ni Carlo. “Seryoso nga, pwede ba kita mahalikan, please?” Nakikiusap na tugon ng studyante. “ Ano trip mo ha?, sa gwapo mong iyan tiyak maraming babaeng magkadarapa na humalik sa iyo, bakit ako pa?”  Usisa ni Carlo. “Paano ikaw gusto ko eh.” Sagot ng studyante. “Ako talaga?  buti pa umalis kana pre, busy ako” ang sabi ni Carlo. “ Kailan ka kaya hindi busy? babalik ako ha.” Sagot naman ng studyante. Hindi na sumagot si Carlo nakangiti na lang itong sininyasan ang studyante na “go ka na”. Umalis naman ang studyante. Napapailing na lang si Carlo sa takpong iyon. Biruin mo, isang gwapo at mestisohin lalaki ang lumapit sa kanya para humingi ng halik. “Weird ha” sa isip-isip niya. Insaktong alas 12:00 tumigil siya sa kanyang ginawang paglilinis, kumain ng tanghalian at pumasok. Habang nasa klase siya pa minsan minsan na aalala niya ang pangyayari kanina sa library. Napapangiti na lang sya. Pangkatapos ng kanyang klase deritso agad siya sa library. Ganyan na ang kanyang pang araw-araw ng gawain. Hanggang 8:30 ng gabi bukas ang library at nandoon siya bilang katulong ng mga librarian, taga ayos, taga linis at minsan taga saway sa mga maiingay na studyante. Tumonog ang bell alas 8:30 ng gabi, hudyat na magsasara ang library. May kasama siyang dalawang kapwa Student Assistant din, Si Felix isang Engineering Student at Lucy isang Elementary Teacher student. Pareho silang tatlo may mga parangap sa buhay, gusto makapagtapos sa college ngunit dahil sa kahirapan napipilitan mag trabaho habang ng aaral. “Carlo alis na kami! Ikaw na bahala dito!” Sigaw ni Lucy. “Pre yung mga trash cans wag mong kalimutan ilabas ha para ma pick up ng mga basurero.” Sabi naman ni Felix. “No problem pre ako bahala! Ingat kayo ha!” sagot naman ni Carlo. Gabi gabi siya kasi naatasang maiwan para patayin ang mga ilaw , aircon, ilabas ang mga basuhan, ipatong at itaub sa ibabaw ng mga lamisa ang mga upuan upang madali na kinabukasan para sa dawala niyang kasama na walisin ang loob ng library. Inuna niyang patayin ang mga aircon at nagtira ng iilang ilaw sa may bandang gitna ng library. Nagsimula na niyang ipatong mga mga upuan sa lamisa. Madami dami din ito kasi nasa Main library siya na assign. Binilisan niya ang kanyang ginagawa dahil nais niyang matapos ito bago mag 9:30 ng gabi, nang napansin niya tumunog ang pintuan ng library. Paglingon niya may nakita siyang isang lalaki na naglalakad palapit sa kanya, may dala ito maliit na kahon. Dahil pinatay na niya ang ibang ilaw hindi niya masyadong maaninag kung sino ang pumasok. “Excuse me, closed na po ang library!” ang sabi niya. Ngunit patuloy parin ang paglalakad ng lalaki palapit sa kanya hanggang na gulat na lang siya na ang kaharap pala niya ay ang studyanteng nanghihingi sa kanya ng halik. “Alam mo naman siguro na hanggang 8:30 lang ng gabi bukas ang main library diba?” Asar na tanong ni Carlo. “Alam ko. Pero hindi naman ako manghihiram ng book.” Tugon naman ng studyante. “Ito para sa iyo.” Sabay abot kay Carlo ang dala nitong puting box. “Ano yan ha.” Usisa ni Carlo. “ Tart, masarap yan para sa iyo.” Sagot na naman ng studyante. Hindi tinangap ni Carlo ang inabot sa kanya na box, ipinatong na lang ito ng studyante sa ibabaw ng lamisa. “Marami ka pa bang gagawin?  tutulungan kita.” Sabi ng studyante. “Ay hindi na kaya ko na to, ano ba kailangan mo?” Tanong ni Carlo. “Diba sabi ko babalik ako.” Sagot naman ng studyante. “Please naman o isang halik lang.” dagdag nito. “So, nagpunta ka dito para sa halik na yan, sersyoso ka ba?” Asar na tanong ni Carlo. “Sa palagay mo ba babalik ako dito kung hindi ako seryoso.” Sagot naman ng studyante. “Tanong ko lang ha, bakit ako pinagtitripan mo?” Sabi ni Carlo. “May nakalagay kasi dito oh. Basahin mo.” Sabay abot ng maliit na papel kay Carlo, binuksan niya ito at binasa ang nakasulat. KISS A TALL, DARK AND HANDSOME guy in the campus. “Asus sabi ko na nga ba sumali ka sa mga kung ano-anung nakakabaliw na challenge na yan ano at idadamay mo pa ako?” “Hindi ako ang hinahanap mo, tingnan mo nakasulat o tall, dark and handsome daw. Eh sa tall at dark papasa ako, pero sa handsome hindi ako yun.” Nakangiting tugon ni Carlo. “Dude gwapo ka naman ha.” Sagot naman ng studyante. “Gwapo ka dyan, wag mo nga akong pinagloloko maghanap ka na lang ng iba.” Sabi ni Carlo habang pinagpatuloy ang ginagawa. “Eh kung ayaw mo sa gwapo eh di burahin natin.” Sabay kuha ng ballpen ang studyante at binura ang salitang handsome at may pinalit. Muli itong ibinigay kay Carlo. Pagtingin niya;  TALL, DARK AT WHATEVER na ang nakasulat sa papel. “ Ang kulit mo rin ano.” Ang sabi ni Carlo. “Sigi na please hanggang 12 midnight lang ibigay sa akin para dito. Sa iyo ako lumapit dahil sa tinggin ko mabait ka at matutulungan mo ako.”  Pangungulit ng estudyante. Hindi na umimik si Carlo, patuloy ito sa kanya ginagawang pag papatong ng mga upuan sa ibabaw ng lamisa. Ang hindi niya alam, inilabas na ng studyante ang kanyang cellphone inihanda ang video at pinatong ito sa lamisa. Sinilip silip at naghahanap ng tamang angulo sa pang kuha ng video. Lumapit ito kay Carlo at kinalabit ito. Pag lingon ni Carlo, bigla hinawakan ng mariin ng studyanteng iyon ang kanyang dalawang pisngi at sabay hinalikan siya sa labi. Ramdam ni Carlo ang init at lambot ng labi ng lalaking humalik sa kanya. Kahit medyo malaki ang kanyang katawan kumpara kay sa studyanteng iyon, pero wala na siyang nagawa sa mabilis ng mga pangyayari. “Naman oh, akala ko ba sa pisngi lang papayag na sana ako, ano ba yan pre kakagulat ka!” bulalas ni Carlo. “Okey eh di tapos, salamat dude maraming salamat.” Sabi ng studyante. Mabilis na dinampot ng studyante ang kanyang cellphone at dali daling umalis. Bago ito nakalayo sumigaw ito. “ Dude yung Tart masarap yan at thank you ulit.” Napailing na lang si Carlo at pinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Sa isip isip niya bakit kaya sa dinami daming mag aaral sa campus siya pa napili ng studyante iyon na halikan. Pagkatapos ng kanyang ginagawa, pinatay niya ang lahat na mga ilaw at dali-daling umuwi sa kanyang boarding house. Pagdating niya nandoon na rin ang lima niyang ka boardmate. Yung dalawa nag naka titig sa kani kanilang cellphone, yung isa nag babasa habang yung isa tulog na. Pagkatapos niyang maglinis sa katawan humiga na ito. Nasa ilalim na deck  siya naka pwesto at sa itaas naman ang kasama niyang si Sam. Pag pikit niya bigla niyang naalala ang ibinigay na box ng studyante naiwang naka patong lamang sa ibabaw ng lamisa sa library. At naalala din niya ang halikan na nagaganap doon. Napapikit at napangiti siya nang bigla siyang hampasin ng tuwalya ng kanyang kasama na kagagaling lang sa banyo. “Hoy ano ni ngiti ngiti mo dyan! ” Sabi nito. “Walaaa!” sagot naman ni Carlo. “Wala daw parang kinikilig ka dyan eh.” Sabi nito. “Kilig ka dyan, may naalala lang akong nakakatawang nangyayari kanina.” “ahh hindi, kinikilig ka eh habang nakita mo akong lumabas sa banyo naka tapis lang tuwalya ano?” Pag-aasar nito. “Sira ka talaga bat ako kikilingin sa katawan ng walis ting ting!” sagot naman ni Carlo. Tawanan sila lahat. Pati yung kasama nilang natutulog na, nagising sa kanilang tawanan. “ Matulog ka na Sam at wag kang magpupuyat nang tumaba- taba ka naman kahit papano” pang aasar ni Carlo sa kasama niyang si Sam napayatot at ubod ng kulit. “ Sakit mo namang magsalita tol, palibhasa ikaw ang may pinaka magandang katawan sa tropa.” Sabi ni Sam. “Anong si Carlo ang may pinakamagandang katawan? eh paano naman tong pinaghirapan kung bilbil?” sambat naman ng isa nilang ka boardmate na si Neco. Sabay hubad ng damit at pakita ng kanyang mga taba sa tiyan. Tawanan ulit sila ng malakas. “ Alam mo tol kung yan katawan mo ay napunta sa akin tiyak mahihirapan na akong lumabas sa bahay namin dahil tiyak pagkakaguluhan na ako. May maamo na akong  mukha katawan na lang talaga ang kulang.” Pabirong sabi ni Sam. “Sabihin mo nga sa akin ano sikrito mo para lumaki at gumanda katawan tulad ng sa iyo.” Dagdag pa nito “Kung sa probensiya ka lumaki at sanay sa hirap tol, hindi mo na kailangan ang mga gym at workout na yan. Yung pagsisibak ng kahoy at pag iingib ng tubig araw araw mas maganda pa kay sa mga pa workout work out na yan diba?” “ Alam mo tol yung probensyanong mong tayo at dating yan ang mga gusto ng mga babae at bading.” Sambat naman ng isa nilang kasamang si Dong. “ Yun nga isang boarder diyan sa kabila nagtatanong kung ano daw account name mo sa FB.” Dagdag pa nito. “Naku Dong dapat sinabi mo account ko tinatanung pala eh” Sambat naman ni Sam. “Tol ang sabi kasi, yung kasama ninyo architure student na gwapo at macho, bakit architure ka ba at higit sa lahat Macho ka ba?” pagaasar na sagot ni Dong. “Oo nga yung anak na man ng may ari ng sari sari store at carenderia na lagi nating kinakainan, yung sa Carla panay din tanung sa kanya.” Sabi naman ni Sam. “Carla? Yung bading?” sambat naman ni Neco “Sabagay bagay kayo, ikaw si Carlo siya naman si Carla.” Dagdag pa ni Neco. Tawanan ulit ang magkakaibigan. “Ay naku yung mga babaeng iyan tiyak maglalaway yan sa akin pag naging CPA ako someday.” Sabi ni Sam. “Anong CPA, Certified Payat na Accountant?” Biro din Neco. Habang nag tatawan ang magkakaibigan tumayo si Carlo at kinapa ang switch ng ilaw at pinatay ito. “Matulog na nga tayo, puro naman kalokohan yan pinagsasabi ninyo.” Sabay higa ulit ni Carlo sa kanyang papag habang naiiwan si Sam na katayong mag isa sa madilim na kwarto. “Hoy saglit lang wag mo munang patayin hindi pa ako naka bihis” Sigaw ni Sam. Tawanan ulit silang lahat. Maya maya pa pagkatapos magbihis ni Sam pinatay niya ulit ang ilaw, umakyat sa papag at natulog.   Kinabukasan, alas 9:00 ng umaga ang pasok ni Carlo sa Library. Si Lucy at Felix naman ang maagang pumasok. Pagpasok, nakita agad niya yung dalawa na ka pwesto doon sa may counter at naghihintay ng mga studyanteng darating para maghiram ng aklat. May mangilan-ngilan na rin mga studyanteng naka upo sa mga mesa ngunit hindi pa naman ganun ka busy. “ Carlo baka may maghahanap ng box na may laman na pagkain naiwan diyan ka gabi paki bigay na lang nito.” Sabi ni Lucy sabay turo ng maliit na box na nakagay sa ibabaw ng counter. “Akin yan! Nakalimutan ko ka gabi.” Sagot naman ni Carlo. “Kung alam ko lang na sa iyo yan di sana kanina ko pa yan tilantakan.” Sambat naman ni Felix. “Saan mo yan nabili?” usisa naman ni Lucy. “Bigay lang yan.” Sagot naman ni Carlo. “Bigay? Sino? admirer mo? Tanong naman ni Felix. “Ganito kasi yun ikukwento ko sa inyo. Teka lang, baka mahuli tayo ni Madam.” Sabi naman ni Carlo habang inikot ang mga mata sa paligid sa pangamba na maabutan sila ng Chief Librarian na si Madam Estacio kung tawagin nilang tatlo. Nagsimulang mag kwento si Carlo sa lahat na nangyayari sa halikan at kung paano nagkaroon siya ng isang box na puno ng  Tart. “At sino naman yan lalaking humalik sa iyo?” tanong ni Lucy. “Hindi ko nga kilala, pero kapag nakita ko tiyak makilala ko siya.” Sagot na man ni Carlo. “Alam mo tol ang kutob ko dyan ay yung lalaking humalik sa iyo ay sumali yan sa isang fraternity, kasi bawal na ngayon ang hazing diba? kaya yung pinapagawa nila sa mga new recuit ay kahit ano anong challenge para lang matanggap sa kapatiran nila.” Sabi naman ni Felix. “Pero for the main time pwede bang simulan na nating kaiinin itong napakasarap na Tart.” Dagdag naman ni Felix. “Ano ba yan nakipaghalikan ka sa taong hindi mo kilala, sana sa akin ka na lang nakigpaglaplapan diba.” Biro ni Lucy. “Lucy naman tumigil ka nga dyan, kakahiya ka. Diba Elementary Education course mo, may ganyan bang gurong ganyan ka landi.” Pabirong sabi ni Felix. “Naku Felixberto wag ka naman magselos diyan ha, tamby ka lang dyan babalikan kita kung sakali.” Patawang sagot ni Lucy. “Pssst tumigil na kayo baka marinig tayo mi Madam.” Saway naman ni Carlo. “pagnakita ko yung taong yun sasabihin ko agad sa inyo.” Dagdag pa nito. Bubuksan na sana ni Carlo ang box na puno ng Tart ng napansin niyang may dumaan sa kanilang harapan na apat na lalaki, dumeritso sa pinaka sulok na bahagi ng library at doon umupo. Pagtingin niya ay isa sa mga lalaking iyon ay ang lalaking humalik at nagbigay sa kanya ng box na puno ng Tart. Kinalabit niya agad si Lucy at tahimik na sinabi kung ano ang kanyang nakita. “Nakita mo yung apat na lalaking studyante nakakapasok lang at doon umupo sa sulok? Yung matangkad na maputi siya yun.” Pabulong na sabi ni Carlo. “Anong siya yun?” tanong naman ni Lucy. “Siya yung humalik sa akin.” Sagot ni Carlo. Pasimple tumingin si Lucy at bilang napaupo sa sahig habang nakatakip ang mga palad sa bibig. “Oh my god! Sure ka sya yun? Kinikilig na tanung ni Lucy. “Wait lang ha saan ba yung cellphone ko.” natatarantang sabi ni Lucy at ng madukot na ito sa kanyang bag agad binuksan ito. “Tingnan mo ito, ito yung sss account niya titigan mo yung profile picture, siya yun diba? so sure ka ba na siya talaga yung humalik sa iyo?” tanong ni Lucy. Tiningnan ni Carlo yung profile picture at siya nga yung taong humalik sa kanya. “Oo nga siya nga yun. Sure ako.” Sabi ni Carlo. “You mean si Dave Angelo Katigbak Seguerra o also known as DAKS ang humalik sa iyo? Naninilat na mata na tanong ni Lucy. “Anong DAKS ka dyan?” Tanong naman ni Carlo. “DAKS stand for his name, DAVE ANGELO KATIGBAK SEGUERRA! Kuha mo!?” Sabi naman ni Lucy. “ Naku Carlo matagal ko ng crush to, ilang taon na yung friend request ko sa kanya pero hindi niya ako I naccept.!” Dagdag pa nito. “Nako pre, crush ng bayan yan madaming nakakagusto niyan na mga babae pati bading kaso masyadong mailap, may paka suplado at wala masyadong kaibigan.” Sabi naman ni Felix. “Wait lang ha! Oh my god tingnan ninyo!” sabay hatak ni Lucy kay Felix at Carlo sa ilalim ng library counter upang hindi sila makita. “May video at ohhhh my god Carlo ikaw nga to oh, pi post niya ka gabi lang. Ohhh my god naka post ang video ninyo na naghahalikan, ano bayan ka asar!” Kinikilig at pabulong na sigaw ni Lucy sa takot na marinig ni madam Estacio. Gulat na gulat si Carlo at Felix sa Video na kanilang nakita. Kitang kita kung paano halikan ni Dave sa labi si Carlo. Tawanan yung dalawa maliban kay Carlo na nakanganga at natutulala. “Wait Carlo naligo ka ba at toothbrush kanina? Tanung ni Lucy. “Oo naman!” Sagot naman ni Carlo. “Haayyy sana hindi ka muna naligo at hinalikan mo ako para kahit papano madaplisan tong mga labi ko sa mga labi ni Dave. Nako Carlo ha 2 years kung  pinagpapantansyahan iyan, samantalang ikaw, nag taub ng mga bangko nahalikan na agad at may pa at Tart pa. life is so unfair tlaga!” Ang ma dramang banat ni Lucy. “Ayan ka na naman sinumpong ka na naman Lucy!” Patawang sabi ni Felix “Hanggang pantasya na lang Ining!” Dagdag pa nito. “Loko yung taong yan ha, ninakawan na ako ng halik pi post sa social media!” Galit na sabi ni Carlo. Biglang sumulpot si Madam Estacio at naabutan silang tatlong naka squat sa sahig. Gulat na gulat yung tatlo at biglang tumayo. “Ano ba ginagawa ninyo diyan sa may sahig?” Tanung ni Madam Estacio. “Ahhh may naririnig kasi kaming kaluskos madam, tinitingnan namin baka dinadaga na tayo dito.” Ang mabilis nasagot ni Felix. “Talagang dadagain tayo dito dahil nagdadala kayo ng pagkain sa loob!” mabilis na tugon ni Madam Estacio habang nakatingin sa puting box na may laman  Tart. “Hindi po madam kararating lang po nito at hindi po ito kakainin dito, binili ko to dahil may reregaluhan akong kaibigan.” Mabilis na palusot ni Lucy. Hindi umimik si Madam Estacio. May inabot ito kay Carlo na mga bagong dating na News papers at Magazines. “Paki lagay nito sa magazine stand Carlo.” Sabi ni madam Estacio “Paki tanggal na rin mga luma na news papers at dalhin mo sa office mamaya. Dagdag nito. Dali daling kinuha ni Carlo ang mga Magazines at News Paper at agad nagtungo sa Newspaper stand. Kinakabahan na may halong inis ang naramdaman niya habang nag lalakad dahil nagkataon na ang paglalagyan niya ng mga News paper at Magazines ay napakalapit sa mesa na inuupuan nila Dave. Patay malisya lang siya habang nag aayos ng mga magazine ngunit napapansin niyang nagbubulungan at tahimik na nagtatawanan yung apat. Tumayo yung isa at lumapit sa magazines stand. “Excuse me pwede pa hiram ng bagong news paper, may titingnan lang ako sa headlines.” Sabi ng  isang kasama ni Dave. Dinampot ni Carlo yung isang newspaper at inaabot. Pagkakuha, bumalik  agad ito sa kanyang  upuan. “Anong headline dude? Tanong naman ng isa niyang kasama. “Mamaya na yang headline dito muna tayo sa bagong palabas oh, showing na!” sagot naman yung isang may hawak ng newspaper. “Ito mukhang maganda love story.” Dagdag pa nito. “Anong movie yan dude?” Tanung naman yung isa. “PLEASE NAMAN ISANG HALIK LANG” at itong “OH MY SWEET TART” mukhang maganda ito.” Sagot naman yung isa. Pigil ang tawanan ng tatlo ngunit habang pinipigil nila ang kanilang tawa lalo ito nagiingay. Namumula na yung tatlo sa kapipigil ng kanilang tawa dahil alam nila mapapagalitan sila ng masungit na Librarian kung nagkatoon. Samantalang makikitang pangiti ngiti lang si Dave habang binubuklat ang aklat na kanyang hawak. Lalong na asar si Carlo sa pinaggagawa ng grupo, alam niya na siya ang pinapatungkulan ng mga iyon. Wala na man talagang palabas na “Please  naman isang halik lang” at “ oh my Sweet Tart” at ang ginawa ng mga iyon ay tiyak pang aasar lang sa kanya. Patuloy pa rin ang pagtatawanan ng tatlo hanggang hindi na siya nakatiis at lumapit. “Excuse me mga tol,” mahinang sabi ni Carlo. “library to wag naman kayong masyadong maingay” dagdag pa nito. Biglang natahimik yung tatlo at nakitingin lahat sa kanya. “Sorry natuwa lang kami sa title ng bagong palabas.” Sabi ng isa. “Pwede naman matuwa na hindi mag iingay diba?” Mahina ngunit medyo asar na sagot ni Carlo. “at saka wala naman ganun palabas eh wag ninyo akong pinagloloko.” Dagdag nito. “Mayroon kaya, kagabi lang na I release.” Sabi naman ng isa. Tawanan na naman yung tatlo hanggang sa nag salita si Dave. “Dudes tigil na ninyo yan galit na si Mr. Tall, dark and whatever oh.” Naka ngiting sabi ni Dave. Nag init lalo ang tainga ni Carlo ang tila kunwari pagsaway ngunit may halong pagaasar na ginawa ni Dave. Bahagya siyang umuko at pabulong na sinabihan si Dave. “At ikaw naman Mr. Dave Angelo Katigbak Seguerra also known as DAKS madami kang dapat ipapaliwanag sa akin.” Pabulong na sabi ni Carlo. Biglang napatingin si Dave kay Carlo. “DAKS talaga ha!” Sabay kamot sa ulo at napangiti ito. Samantala yung tatlo niyang kasama mas lalong tumawa noong narinig nila yung bagong palayaw ni Dave na DAKS. “Ikaw ninakawan mo na nga ako ng halik tapos hindi ka nag papaalam na I po post mo pala sa social media, talagang pinag titripan mo lang ako ha?” Mahina ngunit halatang asar na sabi ni Carlo. Hindi kumikibo si Dave at nakatitig ito kay Carlo habang nag sasalita ito. “Masarap ba?” Pabirong sabi ng isang kasama ni Dave. “Kaylan ba naging masarap ang nakaw?” Sagot naman ni Carlo. “Hindi, yung Tart ang tinatanong ko kung masarap ba?” nakangiting sagot naman nito. “Pwede ba paki sabi naman nitong kaibigan ninyo na galingan na sa sunod oh. Nako ka gandang lalaki wala naman kabuhay buhay kung humalik.” Asar na tugon ni Carlo. “Hindi daw masarap, mamasa masa pa nga yun.” Sabi naman yung isa. “Hindi, yung Tart ang ibig kung sabihin na mamasa masa.” Dagdag pa nito. Biglang tumayo si Dave at inakbayan si Carlo. “Pwede usap muna tayo doon.” Sabay hatak kay Carlo papunta sa sulok na bahagi ng library na hindi masyadong kita ng mga tao at natatakpan ng mga book sheaves. Pag alis nila naiiwan yung tatlo na nagtatawanan. “Dudes akala ko ba ayos na tayo?” Sabi ni Dave “Anong ayos, bakit mo naman kasi pinost yung video na yun?” Asar na tugon ni Carlo. “Eh Paano kasama yun sa challenge eh. Don’t worry tatangalin din yun paglipas ng ilang araw at saka masyado kang affected para halik lang.” Sabi naman ni Dave. “Naku Mr. Daks yung hindi lang ako natatakot na matangalan ng scholarship sa school na ito matagal na kitang…” sabi ni Carlo. “Ano? matagal mo na akong inupakan? Sobra ka naman laki nga ng pasalamat ko sa iyo dahil natulongan mo ako. Pwede ba, wag ka ng magalit isipin mo na lang na friend mo na ako na nanangailangan ng tulong diba?”  Tugon ni Dave. “Okey tatangalin mo yan ha, at kung hindi paglipas ng ilang araw humanda ka sa akin, ay sinasabi ko, hindi ka na talaga makakapasok dito sa library.” Sabi ni Carlo. “Okey lang may dalawa pa naman library sa kabilang building.” Pag aasar nito. “Oo na, oo na promise tatangalin ko yan.” Dagdag nito. “Saan cellphone mo?” Tanong ni Carlo. “Bakit?” Usisa ni Dave. “I accept mo tong friend ko para ma monitor naming kung ano pinag po post mo sa account mo, alam ko yung iba mong napost for friend only. Sigi na I accept mo na to, 2 years na tong naghihintay kung kaylan mo I accept.” Sabi ni Carlo. Dali dali naman kinuha at binuksan ni Dave ang  cellphone at I accept ang kaibigan ni Carlo na si Lucy. “Yun na accept ko na.” Sabi ni Dave. “Good! Umayos ka ha may nagmomonitor sa iyo kailangan sa Friday burado na yang post mo.” Sabi naman ni Carlo. “No problem…at teka ano nga ba name mo.” Sabay hatak ng ID ni Carlo na nakasabit sa kanyang leeg. “Ahhh Carlo, No Problem Carlo, pero mas maganda yung Mr. Whatever ano?” Patawang sabi ni Dave. Humakbang na palayo si Carlo para bumalik sa library counter at sumunod naman sa kanya si Dave. Habang magkasunod yung dalawa, kinalabit ni Dave sa likod si Carlo sabay sabi “ Yung totoo masarap ba talaga?” tanung ni Dave. Huminto saglit si Carlo at tinitigan si Dave ng malagkit sabay sabi ng “Gago!” at patuloy ito lumayo. Naiwan na si Dave naka ngiting naka kamot sa kanyang ulo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD