“Boss sana hindi mo na ako sinundo, alam kung pagod ka, natulog ko na lang sana.” Sabi ni Carlo habang papasok sa kotse ni Dave. “Ayaw mo ba akong makita? diba sabi ko liligawan kita araw-araw, ito na yun at pwede ba tigilan mo na ng katatawag sa akin ng boss.” Sabi ni Dave habang sinimulang patakbuhin ang kanyang kotse. “Gusto ko na sana itigil ang pagtawag sa iyo ng boss, kaso ayaw ng lolo at daddy mo na kumalas ako sa iyo, nagparinig pa na kung pwede daw maging personal secretary mo na lang ako. Sabi ko naman hindi ko linya yang office works kasi architure naman course ko at wala yata ako alam pagdating sa business.” Sagot naman ni Carlo. “Alam mo kung ano ang sagot ng lolo mo? madali naman daw yung pag-aralan mas mahirap pa nga daw tong course ko.” Sabi ni Carlo. “Yung totoo, ayaw

