Chapter 14: Hidden door

1085 Words

  "Head Chef!" Biglang napakapit kay Calvin ang nanginginig na si Marcus.   Pareho silang dahan-dahang napaatras nang tumambad si Chef Eleanor. Natuon ang tingin nila sa matalas na itak na hawak nito na saglit pang kumislap nang tamaan ng liwanag.   Nang magsimula itong humakbang palapit, pareho na silang napakaripas ng takbo sa magkabilang direksyon.   Narinig pa nila ang paghalakhak ng head chef habang mabagal itong naglalakad.   "Sige lang. Tumakbo lang kayo. Akala n'yo ba'y may iba kayong malulusutan palabas dito?" tila panunudyo ng babae.   Agad nagtayuan ang balahibo ni Calvin na ngayon ay mabilis na nakapagtago sa likod ng malaking refrigerator.   "Walang ibang nakapapasok dito na nakalabas pa nang buhay," patuloy ng head chef na tila tuwang-tuwa pa sa ngayon.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD