*** Ang Dark Web ay binubuo ng mga sites na 'di basta-basta mahahanap sa mga search engines. Maaari lamang itong ma-access gamit ang mga specialty networks o anonimity network gaya ng TOR. Napabalita rin nitong mga nakaraang taon na maaaring makapanood sa Dark Web ng mga kahindik-hindik na videos ng mga bata at sanggol na pinapahirapan, ginagahasa at pinapatay, kaya hindi na imposible pang doon din mapanood ang mga videos na natatanggap nila mula kay Lady Bug. Dahil sa nalaman nilang rebelasyon mula sa hacker, mas lalo nilang pinag-igihan ang pag-iimbestiga sa huling video na ipinadala nito. Kahit nga wala silang pasok sa university, narito sila sa computer lab ng club room, magkakatabi sa kaniya-kaniyang computers at sinusubukang alamin ang huling lokasyon ni Oli

