Matapos ang nakata-traumang linggo, trauma naman ng papalapit na exams ang dapat kaharapin ng mga estudyante ng Horizon University. Medyo nababahala pa rin si Mia sa mga nangyari ngunit hindi ‘yon naging hadlang para ipagpaliban ang pag-rereview. Alam niyang responsibilidad niya bilang estudyante ang magkaroon ng matinong grado. Maraming member ang nasa club room para mag-aral. Sa mga ganitong panahon ay nasusubukan din ang kanilang samahan. Dahil iisa lang ang kurso, kaya talagang tulungan sila pagdating sa pagre-review. Napakasuwerte ng mga nasa lower year, dahil mapagbigay ang mga senior at talagang nagsasabi ng mga tips kung ano ang dapat aralin. Matik na 'yon, sapagkat 'yon din naman ang naranasan nila sa mga senior nila noon. Iyon ang kagandahan kapag bibihira magpalit ng question

