"Babyy....." tunog nagrereklamong tawag nya.Pinandilatan ko sya at pinitik sa noo..Nagpasalamat ako sa isip ko dahil naalala ko ang sabi ng pinsan nyang doctor.At may iniinom pa akong gamot.Hindi naman na masakit pero may discomfort pa rin.
"Ouch!"' exaggerated na daing nya.Inirapan ko sya.As if naman masakit e ang hina ng pitik ko.
"Nagmamaldita na naman..Ako na nga itong nabitin e.." pagpaparinig nya.
Pinandilatan ko ulit sya at kinurot.Tumatawang hinuli nya ang kamay ko at dinala sa mga labi..Napakalambing nya talaga.Sa laki ng katawan nya,hindi mo aakalain na may ganito syang ugali.Ganito rin kaya sya sa lahat ng babae?Parang may sakit na kumudlit sa dibdib ko dahil sa naisip.Naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko.Ipinilig ko naman ang ulo ko para iwaksi ang nasa isip.
"What's wrong?May masakit sayo, Baby?Ohh s**t!I forgot! I'm really sorry!" , napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha nya.
"Is it still painful?Did it hurt again? ,tanong nya habang hinahaplos ang balakang ko.Ngayon ko lang napansin,nakakandong pa rin pala ako sa kanya.
"Clarisse will kill me if you ended up sick and sore again."
"And I don't want that to happen also.I couldn't bear looking at you while you're in pain because of me." malambing na sabi nya at dumiin ang labi sa noo ko.
Biglang kumulo ang tiyan ko na ikinagulat namin pareho.Namula ako at sumubsob sa leeg nya para itago ang mukha ko.Tumatawang niyakap niya ako.
"Now I know why you're extra grumpy."
"Gutom na ako", reklamo ko.
"Yeah,I know.Let's just order.What do you want to eat?" tanong nya habang inaabot ang CP sa side table.
Marahan kong kinuha ang CP sa kamay nya at nagtangkang umalis sa kandungan nya.Humigpit naman lalo ang yakap nya.
"Halika na sa kusina.Magluluto na lang ako", sabi ko at nagpilit kumalas sa yakap nya.Wala naman sya nagawa kundi pakawalan ako.
"I thought you're hungry now? Let's just order. It'll be more faster", pilit nya.
"Hindi na,magluluto na lang ako.Marami kang pinamili na pagkain remember?Anong gagawin ko don kung di naman ako magluluto?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Wala syang nagawa kundi tumayo at sumunod sakin.Hinuli nya ang kamay ko at nakahawak na sumabay ng lakad papuntang kusina.Ang OA ng lalaking 'to.Kung umasta,akala mo bata na takot mawalay sa nanay.Mukha ba akong nanay?
May nailabas akong manok sa freezer kagabi kaya nagpasya akong mag-adobo na lang.
"Kumakain ka ng adobo?", tanong ko sa kanya habang inihahanda lahat ng kelangan ko.
"Yeah,one of my favourites but it depends on how it cooked", sagot nya habang nakamata sa ginagawa ko.
"Anything I can help you, Baby?No,I want to help.." nagtanong pa,sya rin lang pala ang sasagot.
"You know how to use a knife?" tanong ko dahil sa itsura nya,parang hindi nga yata sya nagagawi sa kusina.
"Yeah,my mother taught me and I used to help her cook when I was a kid." proud na sagot nya.
"But,I didn't learn how to cook though",napakamot sa ulong patuloy nya .
"Okay then,help me with the ingredients", Sabi ko at itinuro sa kanya ang gagawin habang hinuhugasan ko ang mga karne.
Naging abala kami sa kusina,mas naramdaman kong palagay na ang loob ko sa kanya. Nakatanghod sya sakin habang nagluluto ako.Minsan nakapatong ang baba sa balikat ko at panaka-nakang humahalik sa pisngi ko.Nasasanay na yata ako sa pagiging linta nya kung makadikit.
Wala rin syang reklamo sa mga pinagawa ko sa kanya.Pati pagsaing sa rice cooker,sya ang gumawa.Pero syempre, tinuruan ko dahil di sya marunong..Inilabas ko rin ang sitaw para may dagdag gulay.Naisip kong igisa lang sa bawang at oyster sauce.As usual,gusto nyang tumulong kaya tinuruan ko ulit kung ano ang gagawin.
Mag-aalas tres na nang matapos kaming magluto.Di naman kami masyadong gutom dahil nagapalaman ako ng sliced bread at kinain namin habang nagluluto.Saktong pagkaluto ng ulam ay naluto na rin ang kanin.Magkatulong ulit kaming naghain..
Nagsalin ako ng orange juice sa dalawang baso at pinaupo ko na sya.
Ipinagsandok muna nya ako ng kanin at ulam bago naglagay sa sarili nyang plato.
"Thank you", sabi ko.
"You're welcome ,Baby..Thank you for cooking our food too.Let's eat! sabi nya at sabay kaming nagsimula nang kumain.
"Mmm,so good ,Baby", sabi nya at sunod-sunod na sumubo.Masarap nga ang pagkakatimpla ko ng adobo.Pati ako ay ganadong kumain o marahil dahil gutom rin ako.
"This is very nice,Baby.The best adobo that i've tasted so far.M mm!" kimi akong ngumiti sa kanya .Mukhang nasasarapan talaga sya dahil naubos nya agad ang unang sinandok nya.Ipinagsandok rin ko sya ng kanin at ulam na rin.
"Thank you!"Nangingislap ang mga mata nya habang pinapanood ako.
Magana kaming kumain at halos di na nag-usap.Galit-galit muna kumbaga..Masaya ako dahil mukhang nagustuhan nya ang luto ko.Napansin kong malakas syang kumain.Sabagay,malaking tao kasi sya kaya di nakapagtatakang marami sya kumain.
Halos sabay rin kami natapos kumain at muntik maubos ang kanin sa rice cooker.Busog na busog ako dahil magana akong kumain.Siguro dahil bihira akong may kasabay kumain at matagal na yong huli.
Nagpilit rin syang tumulong magligpit at maghugas ng mga ginamit namin.At dahil obvious naman na hindi sya marunong,sya na lang ang nagpunas at nagsauli ng mga nahugasan ko na.Napakaclingy talaga ng lalaking ito.Panay dikit at hawak habang naghihintay ng pupunasan.Pagakatapos namin maghugas ay kinuha ko ang sliced fruits sa ref at kumuha ng tinidor saka sya niyaya sa mini living room ko.Umupo ako at nilapag sa small table ang bowl ng fruits.Umupo rin sya sa tabi ko at halos maipit nya ako sa sobrang lapit ng katawan nya.Inikot nya ang kamay sa baywang ko at hinapit pa ako lalo.
"Abram Jace....Hindi na ako makakilos sa ginagawa mo",reklamo ko.
"Hmm..You're so soft that i feel like i can easily break you everytime i'm holding you."
Gigil nya akong niyakap at shini-shake ng bahagya.
"Wala ka bang trabaho?,tanong ko.
"I don't have work today ,Baby.I decided to rest until tomorrow."sagot nya.
Hindi na ako nagtaka.Obvious naman na sya ang bossSumubo ako ng prutas at sinubuan ko rin sya.Tuwang-tuwa ang loko habang nginunguya ang isinusubo ko.At ganado ang loko,nag-ungot na tuloy-tuloy ko syang subuan.Di naman na ako nagreklamo.Nakakatuwa kasi syang pagmasdan kapag naglalambing..