"Si Sky?” Tanong ni Sam kay Drake nang salubungin siya nito sa pinto. Dumating ang dalaga kasama ang driver na sumundo sa dalaga. Nabigla pa si Samantha nang sunduin siya nang isang tauhan ni Drake at sinabing magkasama sina Sky at ang binata. Gabi nan ang matapos ang mga ginagawa niya. Dumiretso na siya sa bahay ni Drake nang malamang nasa bahay nito si Sky. “Nasa loob.” Simpleng wika nang binata. “Pumasok ka muna.” Wika ni Drake sa dalaga. “Hindi na, pwede bang kunin mo nalang si Sky. Baka naghihintay na sina lee sa amin.” Wika nang dalaga. “Why are you keeping your distance?” tanong nang binata. “Just so you know, may permiso ako galing sa Lolo mo. And Sky is in safe hands. Hindi mo kailangang maging all guarded pagdating sa akin.” Wika ni Drake. “Alam kong hindi ka pa naghahapun

