"Sam!” masayang wika nang mga bata nang bumaba si Samantha sa Van. Kasunod niyang bumama doon si Drake. Nabigla pa ang binata nang makita ang mga batang tila nag-aabang sa pagdating nang dalaga. Nakita niyang tumakbo papalapit sa dalaga ang mga bata agad na pinalibutan nang mga ito ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang masayang nakikipag-usap sa mga batang excited na makita siya. Kasunod nang mga bata ang isang Madre at isang dalaga. Nakangiti ang mga ito nang makita ang dalaga. Saka bumaling sa Binatang nasa likod nang dalaga. Simple namang tumango si Drake sa dalawa. “They really miss you.” Wika nang madre nang makalapit sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa madre at sa dalagang lumapit. “Halata nga.” Nakangiting wika nang dalaga saka napatingin sa mga batang na

