"Anong lugar ito?” tanong ni Nancy sa kanyang kapatid nang dalhin siya nito sa isang mataong lugar nang pumasok sila maraming mga lalaking lasing siyang nakita na kalong-kalong ang mga babae habang umiinom ang iba ay nagpapahalik pa sa iba’t-ibang bahagi nang katawan nila.
“Ano ang lugar na ito? Bakit dito mo ako dinala?” Tanong ni Nancy sa kapatid niya ngunit sa halip na sagutin siya nito dumiretso ito sa paglalakad patungo sa isang lalaking nasa early 40’s na ata nito.
“Oh Lucas! Ang tagal nating hindi nagkita nagustuhan mo ba ang ibinigay ko saiyo sariwa hindi ba?” tanong nito kay Lucio.
Lucas? Sariwa? Takang wika nang isip ni Nancy saka napatingin sa kapatid niya saka biglang naisip ang dalagang hubad na nakahiga sa kama niya. Napakagat siya labi at napakuyom nang kamao. Paanong naging ganito baba ang buhay nang kuya niya. Matatanggap niyang batugan ito ngunit ang umaktong ganito ang sirain ang buhay nang isang estudyante ay hindi niya matatanggap. Ano bang iniisip niya at pumayag siyang bumalik sa pamilya niya. Wala namang magandang naidudulot sa kanya na makilala niya ang pamilyang ito.
“Sino naman yang kasama mo. Maganda at makinis ang kutis. Tiyak na pagkakaguluhan siya dito.” Wika nito saka hayok na ngumiti sa kanya dahilan upang labis na mainis si Nancy.
“Wala pa akong pera ngayon kaya naman may dala akong sa palagay ko mas malaki ang halaga keysa sa utang ko.” Wika ni Lucio at itinulak si Nancy papalapit sa lalaki.
Ngumisi naman ito at pinasadahan nang tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Nancy tumatagos sa damit niya ang tingin nang lalaki. Bigla siyang napahawak sa sarili niya nang makita ang titig nang lalaki. Simpleng napatingin si Nancy sa kapatid niya. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa nito. Maiitindihan niyang may bisyo ito ngunit abot na ba sa sukdulan ang pagpapakababa nito na kahit ang sarili niyang kapatid ay ibubugaw nito.
Hindi ganitong klaseng buhay ang iniisip niyang mangyayari sa kanya. Ni sa panaginip niya hindi naisip na mangyayari sa kanya ito. Nabuhay siyang nakukuha ang lahat nang magagandang bagay. Pero sa isang iglap parang unti-unting gumuguho ang mundo niya.
“Talagang alam mo kung papaano makipag negotiate lucas, huling-huli mo ang kiliti ko.” Wika nito saka ngumiti at hinimas ang hita ni Nancy sa gulat ang dalaga sa ginawa nang lalaki marahas niyang itinaboy ang kamay nito sabay sampal sa lalaki. Ginagap pa niya ang baril sa bewang niya. Doon lang niya napagtanto kung anong klaseng mundo ang napasukan niya. Kahit na istrikto ang mama at papa niya sa kanya hindi sila gagawa ng bagay na magpapahamak sa kanya. Oo nga at pinagkasundo siya nang mga ito sa lalaking hindi niya gusto at pinilit na makipaghiwalay kay Drake nang labag sa loob niya pero hindi nila gagawin ang bagay na ito sa kanya.
“Anong ginagawa mo!” asik nang kanyang kuya lucio at hinawakan nang marahas nag kamay niya. Nakita niya ang nangangalit na mukha nito dahil sa ginawa niya.
“That’s okay Lucas. I like girls like her. Palaban. Tiyak maraming paroyano ang babalikan siya dito.” Wika nito saka tumingin sa kanya. “Ako nang bahala dito. Magsaya kana.” Wika nang lalaki sa kapatid ni Nancy.
“Umayos ka. Sasamain ka sa akin kapag nagmatigas ka.” Wika nang kuya Lucio niya sa kanya. “Huwag kang mag-inarte dito.” Wika pa nito at muling itinulak ang dalaga papalapit sa lalaki . Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi nang lalaki nang makita ang ginawa ni Lucio sa kapatid.
Iniwan siya nang kanyang kuya lucio sa lugar na iyon pakiramdam ni Nancy naiwan siyang mag-isa sa isang lion’s den ang mata nang mga lalaking nakatingin sa kanya ay parang hinuhubaran siya. Wala siyang magiging laban kapag inatake siya nang mga ito. Dinala siya nang lalaki sa isang pribadong silid kung saan may mga lalaking naghihintay sa kanya. Sa tingin palang niya tila mga gangster ang lalaking nasa loob noon. Umatras si Nancy patungo sa may pinto at balak sanang umalis ngunit nang ipihit niya ang seradura ay nakalock na ito.
“Bakit parang takot ka yata. Hindi mo ba alam kung anong klaseng lugar ang pinasok mo?” Tanong nang isang lalaki saka lumapit sa kanya.
“Huwag kang lalapit.” Wika ni Nancy saka niyakap ang sarili.
“Bakit sisigaw ka? Walang makakarinig sa iyo dito.” Tanong nito sa kanya saka hinawakan ang braso niya sa labis na gulat ni Nancy tinaboy niya ang kamay nang lalaki saka marahas na sinampal ito.
“Masyado kang nagmamatapang.” Wika nang lalaki saka hinawakan ang kamay ni Nancy at itinulak ang dalaga patungo sa kama. Napatili si Nancy dahil sa labis na takot. Lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa kamay. Nagpimiglas ang dalaga dahil sa labis na takot at dahil sa pagpupumiglas niya nakalmot niya ang mukha nang lalaki. Dahil sa galit nang lalaki.
Malakas na sampal ang ginawad nito kay Nancy kasunod ang suntok sa sikmura nang dalaga. Nang makita nang lalaki na tila nanghihina ang dalaga marahan nitong tinanggal ang butones nang damit habang nakangisi. Napaling ang tingin ni Nancy sa vase na nasa side table sa tabi nang kama. Habang unti-unting lumalapit ang lalaki sa kanya at marahang hinahaplos ang mga paa niya pataas sa hita niya. Simple naman niyang inaabot ang base. Nandidiri siya sa lalaki habang hinahalikan nito ang kamay at braso niya.
Nang mahawakan niya ang vase buong lakas niyang pinalo ang ulo nang lalaki. Dahil sa ginawa nang dalaga bumagsak ang lalaking walang malay sa kama habang nakadagan sa kanya. Kahit na nginginig itinulak niya ang lalak patungo sa kama saka nagmamadaling tumayo kahit pa nanghihina siya. Nagmamadali siyang lumabas sa lugar na iyon. Umuulan at hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Takot na takot siya nang mga sandaling iyon. Walang direksyon ang takbo niya hanggang sa makita niya ang isang telephone booth. Pumasok siya doon saka tinawagan si Drake. Wala siyang ibang taong alam na pwede niyang malapitan. Si Drake lang ang alam niyang makakatulong sa kanya.