Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha. “Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result. “Is this true?” tanong ni Drake sak

