"Anong ibig sabihin nito?” Gulat na wika ni Miguel nang biglang mag pulis na dumating sa factory at hinuli siya. Maging si Drake ay nabigla din sa mga nangyari. Wala namang sinasabi sa kanya si Lee tungkol sa bagay na iyon. Maging siya ay nagtataka sa nangyari. Lalo nang sabihin ng Police ang laman nang warrant of arrest ni Miguel fraud at fund embezzlement. Nakatingin ang mga trabahador sa Tito ni Drake habang inilalabas nang mga pulis ang lalaki sa building nang kompanya nina Drake hindi parin makapaniwala ang binata sa mga nangyari. Wala siyang ideya sa nangyayari. Maging ang mga tauhan sa kompanya ay nagulat din ni isa sa kanila walang ideya sa nangyari at kung bakit hinuli nang pulis si Miguel. “Anong nangyari?” Tanong ni Drake kay Lee na nasa opisina nito na tila hindi alintana an

