"Anong ginagawa nating dito?” tanong ni Samantha kay Nancy habang nasa loob nang isang taxi. Huminto ang taxing sinasakyan nila sa isang squatter’s area. Pauwi na sana siya mula sa University nila nang bigla niyang makita sa labas nang University gate nila si Nancy. Nabigla siya nang makita ang dalaga sa University nila lalo na dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraan. “Hindi ako nandito para makipag-away s aiyo. But, pwede ka bang sumama sa akin?” tanong ni Nancy sa kanya. “Sumama saiyo? Bakit? Saan tayo pupunta?” tanong nang dalaga. “May importante akong ipapakita saiyo.” Wika ni Nancy kay Samantha. Habang nakatingin siya sa dalaga. Napansin ni Samantha na hindi ito ang dating Nancy na hindi humaharap sa tao kung hindi naka postura ang mukha. Bukod doon napansin din niya ang malii

