THIRD PERSON’S POV Pagod na pagod si Fire nang makababa siya sa bangka na sinakyan nila pabalik ng island. Gusto niya agad magpahinga at matulog katabi ng mga anak niya. Gusto na niya makita ang mga ito kahit na ilang oras lamang siya na nawala. Sa mga nakalipas na araw ay mas napalapit sa kanya ang mga anak na labis niyang ikinatuwa. Hindi niya maiwasan na mapangiti habang iniisip ang mga ito. Huminga siya ng malalim at tahimik na naglakad sa buhanginan kasunod sina Knight, Ace at ang tatlong pinsan ni Mayumi. Bigla ay nakaramdam ng kakaiba mula sa paligid si Fire kaya wala sa sarili siyang nahinto sa paglalakad. Naramdaman niya ang paglapit ni Knight sa kanya at ang mahinang tanong nito kung may problema ba. Hindi niya iyon pinansin at tahimik na nagmasid at nakiramdam sa pal

