“Denver!” Mabilis akong humarang sa dapat ay dadaanan niya at saka malakas na tinawag ito. Hinabol ko pa siya hanggang dito sa may garage dahil ang bilis niya maglakad. Buti ay hindi ako nakadapa. Kunot-noo na tumingin naman sa akin ang pinsan ko at mukhang nagmamadali. “Busy ako, Mayumi,” sabi nito na halatang irritable. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagsusungit niya. Nakita kong napahinto rin sa paglalakad sina Reb at Dexter at puno ng pagtatakha na tinignan ako. “Sabi ni Bae ay sasamahan mo raw ako sa lugar na gusto kong puntahan. Kung ayaw mo ay si Selene na lang ang sasama sa akin,” walang paligoy-ligoy na sabi ko dito saka humalukipkip. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka tumingin sa cellphone nito na parang may chineck na kung ano. “Ngayon na ba talaga?

