“Baby?” Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Hingal na hingal ako na parang galling sa pagtakbo. Agad akong naupo at nilibot ang paningin ko hanggang sa makasalubong ko ang paningin ni Bae na puno ng pag-aalala. “Baby?” mahinang sabi nito. Mabilis na iniwas ko ang mga mata dito at inilibot ng tingin ang buong kuwarto. Ako at si Bae lang ang nandito kaya hindi ko maiwasan na kabahan. “Nasaan ang mga bata?” seryoso na tanong ko dito. “Nasa baba kasama nila Selene. Why? Did you have a bad dream?” nagtatakha na tanong nito. Sunod ay narinig ko ang mga hagikhik na sa tingin ko ay nanggagaling sa pool side. Marahan akong umiling at huminga ng malalim. Panaginip lang ba ‘yon? Bakit parang totoo? Mataman na tinitigan ko ang mukha ni Bae. Hindi pa rin maalis sa isipan ko

