Maaga akong hinatid ni Bae sa bahay kinabukasan. Nagpaalam ito na pupunta sa bahay ng stepfather nito at baka gabihin na ikinatango ko. Matapos kong mag-ayos ay nagpahatid ako kay Papa sa school dahil may isa kaming subject na weekend ang schedule. Nakangiting mukha ni Selene at Jazz ang bumungad sa akin ng puntahan ko sila sa cafeteria. Nang matapos ang isang subject namin ay nagpasiya kaming umuwi na dahil wala ako sa mood na gumala. Si Jazz ang naghatid sa akin pauwi ng bahay. Walang tao ng makapasok ako sa loob kaya agad na lang ako umakyat ng kuwarto ko. Siguro ay umalis si Mama at Aya para mag-grocery. Mabilis akong nag-shower at nagsuot ng pajama terno saka nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita na may message doon sa Fire, tinatanong lang kung kumusta ako na ag

