“Mayu!” Dahan-dahan akong dumilat at agad na tumambad sa akin ang puting liwanag. Nagpakurap-kurap ako hanggang sa mag-adjust ang paningin ko dito. “Mayu!” Luminga-linga ako para hanapin kung sino ang tumatawag sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Ina sa kabilang bahagi ng silid kung nasaan kami. Muli kong nilibot ang paningin ko at narealize na nasa closed room kami na may isang maliit na bintana at dalawang pinto lang ang mayroon. Kapwa nakatali ang kamay at paa namin ni Ina at nakahiga sa sahig. Nasa magkabilang dulo kami sa hindi ko malaman na dahilan. “Mayu okay ka lang ba?” dinig kong tanong ni Ina. “Oo okay lang ako. Ikaw?” balik-tanong ko naman dito. Tumango si Ina bilang tugon. Hindi na muli ako nagsalita at pinanood na lang siya na pilit na umuupo

