If you ever find yourself stuck in the middle of the sea… I’ll sail the world to find you… You can count on me like one, two, three… I’ll be there… Pansamantalang natigil ang klase sa harapan ng silid nina Nate upang tignan ang klase nila nang siya ay kumanta. Bawat classroom ay may malaking glass window upang madaling ma-obserbahan ng school management ang ginagawa sa bawat klase. Lumabas din ang mga estudyante at guro sa magkabilang kapitbahay na classrooms ng klase nila Nate sapagkat yari sa kahoy ang dingding na humahati sa kanilang mga kuwarto, kaya naman narinig nila ang magandang tinig ng guro. Hindi napansin ni Nate ang naipong mga tao na nakiki-usyoso sa harapan ng kanilang silid dahil nabihag ito sa nakakatuwang reaksyon ng kanyang mga estudyante sa pagkanta nito. Nakasalu

