(Myx's POV)
Here sa School, Nakaexcuse lang. May pinapagawa kasi ang principal. Bale, lahat kaming mga Officer sa Klase ay naka-excuse, mas gusto ko pang sa room na lang kesa kasama ang mga asungot na toh eh!
"Okay guys, one week before ang acquaintance party nyo--"
"What?!" sabat naming lahat, kasi naman! Wag nilang sabihin na kami ang mag-oorganize ng party. Nako!
"Whoa! Guys, relax lang naman kayo. Hahahaha, tulad ng sinasabi ko. Acquaintance Party nyo. We need it para naman magkakila-kilala ang mga estudyante. I want you to organize the party" sabi ng principal namin. Sheezz, sabi na nga ba eh! Kami ang pagagawain ng mga trabaho nila eh!
"Pero, miss .. Hindi po namin yan maaayos lalo na kapag ang kasama namin ay ang barkadahan nila Xiv" sabi ni Gab sabay tingin ng masama kay Xiv
"Hoy Gab Imperial! Kami? As in KAMI? Hindi mo yata natatanong! Kami ang pinakamagaling sa pagpaplano pagdating sa ganyan. Kaya wag mo kaming maliitin" sabat ni Xiv
"Guys! Tigil nyo na muna yan. Tsaka na kayo magbangayan. Patapusin nyo na muna ang principal sa pagsasalita" Oww si Jem ba ang kaharap namin? Parang may iba sa kanya ngayon ah! Parang lang naman .. Kasi seryoso sya? Hahaha.
"Ok, so ganon na nga. Kayo ang magpaplano ng Party. May budget kaming ibibigay sa inyo tapos kayo na ang bahala. Aasahan ko ang maganda nyong plano. You may now go" tapos lumayas na yung principal.
Oh well, okay lang naman sakin yung magsama-sama kami eh! Sana nga lang hindi kami magkagulo. Alam nyo na? Magkakaaway sila eh! Buti pa ko, walang kaaway.
"Hi Myx" speaking of the devil, nawala ang good mood ko
"Oh, Hi there Ken Diaz, anong kailangan mo?"
"Wala naman, Let's be friends?" anong sabi nya? Friends? As in kaibigan? Haha, baka mali lang ako ng rinig
"Huh? Anong sabi mo?"
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" tama pala ang pagkakarinig ko.
"Friends? Bakit naman? Tsaka hindi mo ba nakikita? Hindi nagkakasundo ang mga grupo naten, tapos makikipagkaibigan kapa sakin?"
"I know, pero hindi ka naman galit sakin diba?" galit sa kanya? Hindi naman, pero naiirita ako sa kanya, ang yabang nya! Tsaka napakalaitero. Tsk.
"Hmm, I think?"
"So Let's be friends"
"Okay" wala na kong ibang masagot eh! Tsaka wala naman yatang masama kung maging magkaibigan kami nito. Mas mapapadali pa ang trabaho ko. Hahaha, solve na ang plano ko sa kanya!
"Girls! Tara na!" pag-aaya ni Nix
Sumunod naman kaming lahat sa kanya. Dahil nga sa naka-excuse kami, hindi na kami pumasok sa klase namin. Ang bait ba? Hahahaha, nakakatamad eh! Tatambay na lang kami sa 7/11 . Kakain na lang kami. Buti pa si Nix may Lovelife na, tsaka mukhang seryoso sa kanya si Ace. Ang swerteeee nya! Sana ako din, pero sino naman kaya? I'll wait for my prince na lang.
"Anong gusto nyo?" tanong ni Ria
"As usual, ganon paden ang akin --- Cheese Balls" sabi ni Nix, aba! Hindi na sya naiilang kay Ria ah! Parang unti-unting bumabalik yung dati
"Piattos" -Gab
"V-cut" -Jem
"Ikaw Myx? Anong gusto mo?" tanong sakin ni Ria
"Nova"
"Okay, wait lang kayo dyan huh?" tapos umalis na si Ria
"Kami na ni Nix ang kukuha ng Slurpee" sabi ni Jem sabay higit kay Nix
"Okay? Anong meron?" tanong ni Gab . Hahaha, nakapansin din!
"Ang bait nila noh?"
"Oo nga, bakit? Alam mo ba ang dahilan?" nagtatakang tanong ni Gab
"Si Ria. Malungkot kasi yan kaya pagkain ang tinitira ngayon. Kakaalis lang ni Jn diba? Si Nix naman, inlove eh! Kaya ganyan. Ewan ko lang kay Jem" sagot ko
"Tignan mo sa vision mo" utos ni Gab
"Hindi ko nga makita eh, pero sa tingin ko pareho lang sila ni Ria. Malungkot din sya. Kita naman sa mata nya eh"
"Pero kanino?" mapanuring tanong ni Gab
"Yun ang hindi ko alam"
Napatango-tango na lang kami pareho, bakit nga ba malungkot si Jem? Anong dahilan?
(Ken's POV)
Success! Yan yung word ko, sa wakas! Nasabi ko na din kay Myx yung word na yun "Lets be friends" Wala na kong magiging problem.
"Alam mo tigilan mo na yang pag-ngiti mo, mukha ka na kasing aso eh!" pagbasag ni Max
"Pakialam mo ba?!"
"Wala naman"
Nandito na naman kami sa tambayan. Wala kasing magawa eh! Ano naman kaya ang plano na gagawin namin para sa acquaintance party?
"Ken, bili ka nga ng coke in can" utos sakin ni Xiv
"Okay"
Excited na ko sa pagpplano ng party, kasi kasama namin yung mga girls eh! Siguradong masaya yun. Maaasar na namin sila ng madalas
Teka sila Myx ba yun? Sa 7/11? Hahaha. Kung sinuswerte ka nga naman.
"Hi Girls!" bati ko sa kanila
"Oh hi?" sagot ni Ria
"Bakit nandito ka?" -Gab
"Wala lang naman, napadaan lang ako para bumili ng coke" sagot ko
"Ah."
"Ano yang kinakain mo, Myx?" tanong ko
"Nova, you like?" sabay alok nya sakin . Kukuha ba ko? O hindi? Nakakahiya kasi eh.
"Sure" sabay kuha ko, OKAY? Ako na makapal ang mukha.
"Pwede bang makiupo sa inyo?" tanong ko. Sana naman pumayag sila
"Pwede naman. Geh upo na" sabi ni Jem
Umupo na ko at nakipagkwentuhan na din sa kanila .. Abala si Gab, Ria at Myx sa pag-uusap. Pati na din si Nix at Jem. Kaya hindi ko alam kung saang usapan ako makikinig .
"Jem, may problem ba?" narinig kong tanong ni Nix kay Jem
"Nothing, may naalala lang ako" tapos nagsmile si Jem kahit pilit
"Sya na naman ba?" anong sya na naman? May boyfriend ba si Jem? Hmm, di halata ah.
"Yep! Nakipagkita sya sakin tapos nagso-sorry sya. Tapos sabi nya mag-eexplain daw sya sa ginawa nya before" oww. Kawawa naman si Jem, parang any time pwedeng tumulo yung luha nya
"Jemimi, okay lang yan! Eto lang ang tanong ko sayo .. Mahal mo pa ba?" tanong ni Nix. Di ako makarelate sa kanila ah!
"Oo" sagot ni Jem tapos tumahimik sila pareho.
Okay .. Sino naman kaya yung pinag-uusapan nila? Past ni Jem? Present? Ang labooo..
"Girls, aalis na ko" paalam ko sa kanila
"Babye" -Nix
"Sayonara" -Ria
"Adios!" -Gab
"Layas na!" -Jem
"Sige ingat!" -Myx
Nagwave sila pare-pareho ng kamay "Babye din sa inyo, pati kay bestfriend Myx" tapos lumayas na din ako dun.
Ang tanga ko! Bakit ko nasabi yung word na bestfriend? Pero okay na din naman yata yun, baka dun pa kami magkasundo. Mabait din naman pala sila eh! Ang kaso lang ang puputla nila, mukhang mga walang dugo eh . Opps. Sorry for the word. Nagsasabi lang ako ng totoo.
"San ka ba galing?" sigaw ni Xiv
"Bumili neto" sabay hagis ko sa kanila ng coke in can
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Jae
"Nakita ko kasi yung mga putlain eh! Yung grupo ni Gab" tapos nakita kong nagningning yung mata ni Xiv
"Saan?"
"7/11"
"Nandun pa sila?" tanong ni Ace
"Wala na eh!" i lied.
"Sayang naman" sabi ni Jae
"Nandun ba si Jem?" tanong ni Max
"Yup! Mukha ngang malungkot sya eh! Tapos may pinag-uusapan sila ni Nix na lalaki, ewan ko kung boyfriend ni Jem yun. Ang alam ko lang sobrang nasaktan si Jem" sagot ko, nakita ko namang lumungkot ang mukha ni Max. Oh anong meron sa kanya? Concern sya kay Jem? Hmm, di naman yata.
Makaraan ang ilang minuto, nakaramdam ako "Natahimik kayo?" tanong ko. Kaya naman pala tahimik eh! Nagsilayas yung mga tanga. San naman kaya ang punta? Haays.
(Jae's POV)
Nagbabalik na naman ako! Miss me? Lahat sila may balak na. Si Ace, girlfriend na nya si Nix. Ang bilis nga eh! Si Ken nakikipagkaibigan na sya kay Myx. Si Max pumuporma na din kay Jem. Kami na lang yata ni Xiv ang may problema eh! Wala pa kong maisip na Way para mainlove sakin si Ria. May boyfriend ba yung babaeng yun? Tsk.
"Anong plano mo?" out of the blue na tanong ni Xiv
"Huh? Saan?" tanong ko
"Kay Ria, anong plano mo sa kanya?" ah! Yun pala ang tinutukoy nya! Kala ko pa naman kung ano na eh!
"Hindi ko pa alam eh! Basta makakaisip din ako ng plano ko for her. Eh ikaw? Anong plano mo kay Gab?" balik tanong ko sa kanya
"Hindi ko pa nga din alam eh! Siguro manghihingi ako ng payo sa mga babae"
"Hahaha, parang tayo na lang ang hindi kumikilos ah! Lahat sila gumagawa na. Haayys"
Papunta pala kaming Condo ni Xiv. Makikitulog ako dun eh! Si Max at Ace naman. Parang may kakausaping babae daw. Sino kaya yun?