(Ken's POV)
Wala talaga kaming ginagawa dito puro inom lang kami eh! Haaay, kakatamad
"Nasan na ba si Jae?" tanong ni Ace
"Diba ang sabi nya lalabas sya? Baka naman nagpapahangin lang yun sa labas" sabay inom ko ng beer
"Uwi na tayo? Medyo nakakatamad na din kasi dito eh!" pag aaya ni Max
"Sige, hintayin na lang natin si Jae na bumalik" sabi ni Ace
Inubos lang namin yung iniinom namin habang naghihintay sa pagbalik ni Jae, makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Jae nang nakangisi.
"Oh Jae! San ka nanggaling?" tanong ko
"Haha, dyan lang sa labas" nakangiti nyang sabi
"Eh bakit ganyan ang ngiti mo? Parang may nangyari kanina habang nasa labas ka ah!" curious na sabi ni Max
"Wala lang toh, may nakita lang ako sa labas kanina na kakilala ko" nakangiti paring sabi ni Jae
"Hulaan ko! Babae yan noh?" tanong ni Ace
"Hahaha, agree ako dyan! Mukhang kinikilig si Jae eh!" sabi ni Max
"Tama kayo! Babae nga ang nakita ko kanina at hulaan nyo kung sino" nakangising sabi ni Jae
"Sino?" sabay sabay naming tanong
"Isa sa mga babaeng nakita natin. Naaalala nyo pa? Yung mga mapuputlang babae? Yung kasamahan ni Gab. Isa dun ang nakita ko. Ria yung name eh!" natatawa-tawang sabi ni Jae
"Eh bakit ganyan ka makangiti? May gusto ka dun noh?" tanong ko
"Hahaha, dun? Wala noh! Ang sarap nya lang kasing asarin. Napakaasar talo na babae. Natatawa lang ako sa kanya" sabi ni Jae
"Talaga lang huh? Tss, pre! Lalaki din ako at alam ko kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae" sabi ni Max
"Tss, syempre alam mo yun! Ikaw ang pinakababaero samin eh!" biglang ngisi ni Ace
"Nga naman!" sang ayon ko
"Naman eh! Syempre alam ko yun! Marunong akong magmahal eh! Hindi katulad nyo" sigaw ni Max
"Haha, syempre alam namin! Sa sobrang mapagmahal mo nga. Ang dami mong chicks eh!" sabi ni Jae kaya nagsitawanan ang lahat
"Agree ako dyan sa sinasabi mo Jae" sabay apir ni Ace kaya nakipag apir na din ako, si Max naman tawa din ng tawa
"So, tayo na?" tanong ko sa kanila
"Huh? Anong sinasabi mo dyan Ken? Hindi pwedeng maging tayo kasi hindi tayo talo!" sabi ni Max
"Tanga! Ang ibig kong sabihin ay tayo na at umalis. Gago ka? Tsaka ikaw? Tss, kung babae ako hindi kita papatulan noh!" sabay batok ko sa kanya
"Hahaha, joke lang naman eh! Tara na?" natatawa-tawang sabi ni Max
"Okay! Tara na" sigaw ni Ace, kaya nagsialisan na kami sa bar. Haha, wala naman kasing magawang iba dun eh! Mukha pang mga ipis yung mga babaeng lumalapit samin.
(Nix's POV)
Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyayari dito sa bahay namin. Basta ako masaya kasi may gwapo dito. Hahaha.
"Oh Nix, ayos na ba si JN?" tanong sakin ni Ria
"Hmm, okay naman na sya" sagot ko
"So, pwede na nating sabihin sa kanya?" tanong ni Jem
"Yung sa life thingy natin?" tanong naman ni Myx
"I think so. Wala naman tayong choice eh! Sabihin na lang natin sa kanya tsaka mapagkakatiwalaan naman natin sya eh!" sabi naman ni Ria
"Sigurado ka dyan Ria?" tanong ni Gab
"Yeah, tsaka ako ang bahala kay JN"
Nagsilapitan na kami isa-isa kay JN. Haaay, eto na ang time para sabihin na namin sa kanya ang lahat
"JN, may sasabihin nga pala kami sayo" panimula ni Gab
"Hmm, ano yun?" tanong ni JN
"Sana naman hindi ka mabigla at sana naman hindi mo kami layuan, kasi naging kaibigan ka na din namin eh!" nakayukong sabi ni Ria
"Oo nga, sana di ka din talaga magulat tsaka kaibigan na talaga ang turing namin sayo eh! Sana naman hindi ka lumayo" sabi naman ni Myx
"At sana hindi mo kami ituring na iba" dagdag pa ni Jem
"Tsaka wag mo din sabihin sa iba kasi ikaw lang ang pagsasabihan ng sikreto namin" pagpapaalala ko sa kanya. Bakas naman sa mukha nya ang kaguluhan, siguro hindi nya maintindihan ang nangyayari.
"Ano ba yun?" mahinahon na tanong ni JN
"Bampira kasi kami eh!" sabay sabay naming sabi
Sobrang gulat naman ang nakita namin sa mukha ni JN at parang natulala ito. Habang kami, hindi din namin maintindihan ang ekspresyon sa mukha namin. Pero bumalik din ulit si JN sa sarili nya at parang hindi yata nya nagets ang sinabi namin at sinabing ..
"Ah ganon ba?" kalmado nyang sabi
"Di ka natatakot samin?" tanong ni Jem
"Hindi nyo naman yata ako sasaktan eh! Kasi sabi nyo nga kaibigan nyo na ako diba?" nakangiting sabi ni JN
"Talaga? So, hindi mo kami lalayuan?" tanong ko sa kanya
"Hindi. Tsaka naging malapit na din naman kasi kayo sakin eh! Tsaka okay lang naman yatang makipagkaibigan ako sa mga bampira diba?" nakangiti nyang sabi
"Glad to hear that" sabi ni Gab
"Yeah! Salamat naman. Akala namin lalayo kana sa amin eh" sabi ni Ria
"Hindi ah! Okay lang sakin. Pero hindi nyo naman yata ako biglang kakagatin, ano?" tanong nya
"Depende" sabay ngisi ni Myx
"Eh?"
"Hahaha, just kidding! Hindi ka naman mabiro! Halika na nga at kumain na tayo!" aya ni Myx
Nagsipuntahan na kami sa mga upuan namin at kumain ng sama-sama. Hahaha, buti na lang talaga at naamin na din namin sa wakas kay JN at ang masayang part pa dun ay hindi sya lumayo samin. Naging mas malapit pa nga yata sya sa amin eh!
Umupo na kami at nagsabay sabay sa pagkain habang nakangiti sa JN habang kumakain kami na proud na proud sa hinain nya.
"Busog na ako! Salamat sa pagkain" nakangiti kong sabi habang hawak ang tyan ko
"Ako din" -Jem
"Me too!" -Myx
"Me three" -Gab
Napatingin naman kami kay Gab
"Joke lang. Syempre nabusog ako ng sobra" sabay peace sign ni Gab
"Eh ikaw Ria?" tanong ni JN
"Tss, mukha ba akong nasarapan sa niluto mo? Hindi ko parin talaga kayang kumain ng mga pagkaing pang-tao" mataray na saad ni Ria
"Hahaha, masanay kana kasi. Bakit naman tong mga kasama mo kaya nilang kumain ng mga pagkaing pang tao? Kung kaya nila, dapat kaya mo din" sabay fighting post si JN
"Nga naman Ria, matuto ka nang kumain ng pagkaing pangtao! Hindi yung reklamo ka dyang ng reklamo!" -Gab
"Tama! Malaking check! Agree ako sa sinabi ni Gab!" -Jem
"Lalo naman ako!" Pang sang ayon ni Myx
"Ako din!" sabay taas ko ng kamay
"Kailan nyo ba ako titigilan sa kakakulit nyo?" iritableng tanong ni Ria
"Kapag marunong ka nang kumain ng mga pagkaing toh" sabay turo ni Gab dun sa mga pagkaing niluto ni JN
"Tss, tinatry ko naman ah! Kaso hindi ko talaga kaya eh!"
"Kayanin mo!" -Myx
"Kaya nga!" -Jem
"Agree ako!" singit ko sa kanila
"Ano ba! Hindi ba kayo titigil sa dugtong-dugtong nyo na statements? Sasapakin ko na talaga kayo isa-isa" inis na sabi ni Ria
"Haha, kalma lang! Sige ka mamatay ka dyan!" pabiro na sabi ni Jem
"Oh itigil nyo na nga yan! Magbabangayan na naman kayo eh!" pigil ni Gab
"Hahaha. Okay girls mauna na ako sa inyo huh?" paalam ni JN
"Wait! Wag mo kaming iwan! Hindi namin kayang iwan mo kami. Wag ka munang magrest in peace" sabi ni Jem na nagddrama
"Wag tanga Jem! Aalis lang sya hindi mamamatay!" sabay belat ko kay Jem
"Haha, oo nga naman! Wag mo na muna akong patayin Jem!" natatawang sabi ni JN
"Sabi ko nga! Ingat sa pag-uwi salamat na din sa pagkain" nakangiti nyang sabi
"Balik ka ulit pag may time!" sabi ko
"Oo nga, ang sarap talaga ng mga luto mo" pagpuri naman ni Myx kay JN
"Yeah! Agree ako sa kanila. Sa uulitin JN" -Gab
"Kayo lang yata ang nasarapan eh! Ako hindi!" -Ria
"Hayaan mo Ria! Matututo ka ding kumain ng mga kinakain namin" -JN
"Sana nga" malungkot na sabi ni Ria
"And JN thanks nga din pala sa beers! Hehe na-enjoy namin!" -Gab
"No problem! Sige alis na ako!"
At tuluyan na nga pong umalis ang crush ko. Hehe, pero babalik naman sya eh! So no need to worry.
"Geh linis na tayo ng bahay! Para naman magmukhang bahay tong bahay natin. Mukha na kasing gubat eh" tatawa tawang sabi ni Myx pero agree ako sa kanya :D
"Okay, ako na ang mag aasign para naman hindi bias" sabi ni Gab
"Aye! Aye!" sabay sabay naming sabi
"Ria, sa kusina at cr. Myx, sa sala at labas ng bahay. Nix and Jem sa mga rooms at ako sa may garden"
"Okay!"
Haha, masaya toh! Linis time na naman kami, magkasama na naman kami ni Jem! Magulong paglilinis yata ang magagawa namin. Nagsipuntahan na kami sa mga lilinisin namin. Inuna namin ni Jem ang kwarto ni Gab. Konting walis lang naman dito eh! Kasi hindi naman madumi. Malinis yun sa gamit eh!
Gab's Room
"Haha, malinis naman toh ah! Bakit kailangan pa nating linisin?" tanong ni Jem
"Walisan lang natin ng konti" sagot ko sa kanya. Kaya nga! Ang lilinis naman ng kwarto nila.
"Hmm, Nix may tanong ako sayo" seryosong sabi ni Jem
"Oh, ano naman yun?"
"Parang may tinatago sila satin. Nafefeel ko eh!" pabulong na sabi ni Jem
"Ano naman yun?"
"Hindi ko alam, basta parang may hindi tayo nalalaman eh! Nix we need to figure it out"
"Tss, nababaliw ka na naman yata" sabi ko kay Jem
"Hindi ah! Di mo ba napapansin yung pag-uusap ni Gab at Ria? Parang may tinatago sila satin na di natin dapat malaman. Hmm"
"Oh tapos?" taas kilay kong tanong
"Anong tapos?"
"Kailangan nating malaman yun! Para naman updated tayo diba?"
"Ay bahala ka dyan sa binabalak mo. Basta ako hindi na ako nangingialam. Malay mo naman diba may personal thing silang pinag-uusapan" pinagwalang bahala ko na lang ang sinasabi nya
"Ah bahala ka! Basta aalamin ko yung pinag-uusapan nila"
"Paano naman?"
"Basta, ako na ang bahala dun" naka-thumb ups nyang sabi
"Nako Jem. Maglinis ka na nga muna bago ka mag-isip ng kung ano-ano dyan nakakawindang ka eh"
"Okiee Dokiee Nishaline Irish Xyla Arellano"
"Baliw ka talaga!"
Hmm, naisip ko din ang sinabi ni Jem huh? Baka naman may sikreto yung dalawa. Pero diba pinatupad na namin ang 'No Secret Policy' dito sa bahay? Kaya dapat wala nang ganon.