Isang buwang mabilis ang lumipas. Nakalipad na papuntang US si Lhia.Araw-araw itong tumatawag kay Zeus at inaupdate siya palagi. Nakuha din niya ang deal kay Mr. Tan.Tinawagan niya ang kanyang PA para sa isang importanteng bagay. Maya-maya pa'y may kumatok sa kaniyang pintuan "Come in!" sabi nito at agad namang pumasok ang kaniyang PA sa loob. "I want you to inform everyone that we will going to have a party tomorrow since it's friday they can just take their rest tomorrow and the party will start at 7:00 pm at the five star hotel ." masaya nitong sabi kay Peter . "Yes po,sir." masaya namang tugon ni Peter sa boss nito.Ang five star hotel na binabanggit nito ay pag-aari din nila. Isa lamang ang five star hotel na ito sa napakaraming properties mayroon ang pamilya Peterson.Kahit papaano'y naiibsan naman ang pagkamiss sa kanyang nobya dahil na rin sa dami ng mga gagawin sa opisina and of course everyday namang tumatawag ito sa kanya.
Friday morning, dahil walang pasok si Abi nagmovie marathon nanaman ang dalawa at sa kwarto niya natulog si Malliah.Mahimbing na natutulog ito ng maya-maya'y may tumulak sa kaniya dahilan upang mahulog siya sa kama."aArrraayyy!" sambit nito sabay himas sa balakang.Dahil sa sarap ng tulog at malamang nananaginip nanaman si Malliah hindi niya namalayang naitulak siya ng kaibigan . Pangiti ngiti pa itong nakapikit ng mata sabay mahigpit na nakayakap sa unan. Kinuha ni Abi ang isang unan at inihampas kay Malliah agad namang napabangon si Malliah. "Ano ba ,Abi!panira ka nanaman. " "Eh sa hinulog mo ako sa kama eh !" parang batang sigaw naman ni Abi sa kanya. Nagulat naman siya hindi niya akalaing sa sarap ng tulog at saya sa panaginip ay naitulak niya ang kaibigan. "Sorry!may masakit ba?"agad nitong bawi. "Bumangon ka na nga at ikaw na ang magluto ng breakfast natin!"sabi ni Abi."Oo na babangon na po,magluluto na senyora!" Bigla namang nagring ang phone ni Abi,"Hello,babe how are you? " Bati nito sa kabilang linya ." How are you ,eh nagkita lang naman kayo kahapon ah." pang-aasar ni Malliah sa kaibigan."Palibhasa wala kang babe." Taas kilay na sagot nito. "Whatever!" pagkasabi ni Malliah ay umalis na ito sa kwarto ng kaibigan upang maghanda ng kanilang breakfast.
Nakaprepare na ang table for their breakfast tinawag na ni Malliah si Abi para kumain. "Bes,3 weeks na after ko nag-apply sa company niyo.Ni tawag wala man lang." parang nagtatampong sabi nito. "Sorry bes ha? Wala pa kasi bakante e pero syempre kapag nagkaroon man ikaw naman agad-agad ang irerecommend ko." baling nito sa kaibigan.Sa kumpanyang pinagtatrabahuan kasi ni Abi siya unang nag-apply at least andoon ang best friend niya ngunit 3 weeks na after she submitted the requirements ay wala pa ring good news rito. Biglang namang nagring ulit ang phone ni Abi at si Brent ulit ang tumatawag. "Babe,nakalimutan kong sabihin,may bakante ngayon sa office baka kako gusto ni Malliah mag-apply." wika ni Brent. "Bes,may bakante daw kina Brent gusto mo daw ba mag-apply?", "Aba! susunggaban ko na yun bes sayang ang pagkakataon dahil ayaw naman ako ng kumpanya ninyo doon nalang ako sa kanila." sagot nito.Hindi pa kasi siya nag-aaply sa ibang company dahil hanggat maaari sana doon din sa company ni Abi ang gusto niya "Sira! wala lang talagang bakante ,sa galing mong iyan walang aayaw sayo no."agad namang sabi ng kaibigan."Babe,sabihan mo si Malliah magpunta na siya ngayon rito for interview." sabi ng kabilang linya."Bakit pa may interview,babe? mahina ka pala diyan eh." pabiro nitong sabi."Si uncle kasi medyo bad mood these past few days alam mo na regarding the deal with Mr. Tan." naintindihan naman agad ni Abi ang sinabi nito dahil nga ang boss niya ang nakakuha ng deal kay Mr. Tan na isa ring business ambassador.
Hindi mapakali si Malliah habang nasa tapat ito ng malaking building na pag-aari ni Don Manolo ang Vergara's Realty Group. Nakasuot siya ng white puff sleeve na below the knee ang haba at perfect ang fitting nito sa perfect nitong body figure nagsuot lamang siya ng 2 inches na pale ivory sandal na dumagdag lalo sa kanyang magandang aura. Sinalubong siya ni Brent sa labas. "Are you ready for the interview,miss?" pabirong sabi nito. "Brent,seriuosly I felt so nervous ." "Hey,relax I am just here .Hindi ka naman kakainin ng tigre kong pinsan e." Ang tinutukoy nito ay ang nag-iisang anak ni Don Manolo, si Amaya."Grabe ka naman kung makatigre."sabi naman nito kay Brent. "Haha!you'll see madaming inggit yon sa katawan,gusto niya siya lamang ang nakakalamang." sagot niya naman rito. "But honestly speaking,I know you'll be a great asset of this company.", "Thank you Brent for the opportunity." sabi nito "No,thank you because you didnt hesitate to apply here." bawi naman ni Brent. Sabay na silang sumakay sa elevator at sa 40th floor ang kanilang tungo. Nasa harapan na sila ngayon ng napakagandang opisina.Office of the President ,Amaya Y. Vergara yan ang nakasulat sa may pintuan. Brent knock the door before opening . Nabungaran naman nila ang isang sopistikadang babae na sa itsura palang ay pangkontrabida na ang itsura maganda pero mas di hamak na mas maganda naman siya rito.Seksi pero mas seksi rin siya rito. Tiningnan siya pataas pababa ng babae. Iniwan na rin siya ni Brent dahil may urgent call siya sa kaniyang opisina. "So,you must be Malliah." wika ni Amaya.", "Yes,ma'am nice meeting you po." magalang na tugon naman ni Malliah. " Not because friend mo ang Vice President ng kumpanya you can just go to the office any time you want.If I were to decide you don't have any space in this company your grade aren't even impressive." sabay-sabay nitong wika sa kanya. " Aba! attitude ,girl." wika nito sa loob niya. "Don't worry ma'am I will do everything for this company I will not disappoint you either." wika nito kahit na sa loob-loob niya'y gusto niyang ibalibag ang mga uno niyang grades sa mukha nito. "I graduated with flying colors and yet you're insulting me this much." himutok ng kalooban niya sa bruhang kaharap niya. "So ,very confident huh!" taas kilay na sabi ni Amaya.Nakayuko na lamang si Malliah and she has nothing else to do but to earn more patient habang nasa harap niya ang babae.She needed the job so badly dahil ilang buwan narin siyang nagiging pabigat sa kaibigan wala namang angal si Abi sa gastusin sa kanilang apartment pero hindi naman ganoon kakapal ang kaniyang mukha para iasa nalang lahat sa kaibigan. Natapos ang madugong interview at sa wakas ay nakalabas na siya sa opisina ni Amaya. "Congratulations!" sigaw ni Brent sakanya "Thank you,Brent." wika nito ulit kay Brent. "So,let's go kanina pa kasi naghihintay si Abi sa lobby.Let's go out for a celebration." masaya nitong sabi sa kanya.Naexcite naman siya sa narinig at dali-dali na silang bumaba sa lobby. Agad siyang sinalubong ni Abi ng mahigpit na yakap,"Congratulations ,bes!" bati nito. "Thank you,bes!" mangiyak-ngiyak nitong sagot. "Oh ,why sad?" tanong ni Abi sa kanya. "Siguro kung nabubuhay pa si nanay nagtatalun-talon na iyon sa tuwa." sambit nito na nag-uunahan ng pumapatak ang kaniyang mga luha."Bes,I'm sure tita is the proudest now." sabay haplos naman nito sa likod ng kaibigan. "It is suppose to be a happy moment ,girls anong drama yan?" biglang sabi ni Brent sa dalawa.Nagtawanan nalang sila habang pinupunas nito ang mga luhang walang humpay sa pag-agos ng mga luha,luha ng saya at lungkot.
Kinagabihan ay selebrasyon naman ng kumpanya nina Zeus. "You want to go with me, girl?tanong sa kanya ni Abi."Next time nalang ,bes.I should take some rest now dahil sasabak na ako sa lunes sa matinding bakbakan. " wika nito. "Bakbakan agad?" sabi naman ni Abi.Umalis na si Abi at naiwan na siya sa apartment mag-isa matutulog siya ng maaga ngayon dahil may pupuntahan siya bukas.
The party went well at lahat ay masaya. Lumapit si Zeus kay Abi."Hi,Abi!" bati ng boss nito. "Hello,sir!Congratulations po!" mainit na pagbati ni Abi sa kanya. "I know that you're having a relationship with Brent Vergara ,I hope he doesn't do something to get you in their company." diretsong sabi nito kay Abi. "Don't worry,sir this company means a lot to me and you're an awesome boss there's no reason for me to leave the company and infact Brent and I never had an issue regarding our work." sagot naman nito. "Good! Thanks, Abi I hope you can give your hundred percent loyalty to the company." ,"Makakaasa po kayo,sir!" sabi naman agad ni Abi. Zeus Know Brent's personality unlike sa uncle niyang ubod ng tapang kung ikukumpara nga sa kaniya'y mas istrikto ito kung trabaho ang pag-uusapan. Magkababata kasi ang dalawa kung hindi lang magkatunggali ang kanilang kumpanya ay tiyak na magiging matalik silang magkaibigan.Kaya naman alam niyang walang halong business ang pakikipagrelasyon nito sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang empleyadong si Abi.Alas onse na ng gabi ng makauwi si Abi hinatid siya ni Brent pauwi. Pagkatapos kasi ng celebration nila ay tinawagan na nito ang binata para sunduin siya.Nang makauwi sa apartment ay mahimbing ng nakatulog si Malliah .
Nasa malawak na hardin si Malliah habang siya'y abala sa paglanghap ng sariwang hangin at ninanamnam ang bango ng halimuyak ng mga naggagandahang mga bulaklak ay may yumakap sa kanya mula sa kaniyang likod. Mahigpit na yakap na punong puno ng pagmamahal. "Zyke,mahal mo ba ako? " tanong nito. "Mahal na mahal" sagot naman ng binata, hindi masyadong maliwanag ang mukha nito ngunit alam niya kung gaano ito kagwapo ang boses nitong maskuladong maskulado na lalong nagpapainit sa kaniya. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong madampian ang mga mapupulang labi nito ngunit lagi itong nauudlot.Hinawakan ni Zyke ang kanyang baba at itinaas ang mukha nito ng bahagya.Napapikit naman siya at hinihintay na nito ang susunod nitong gagawin. Biglang tumunog ng malakas ang kanyang alarm clock. Inis na inis siya sa sarili.Bakit ba lagi na lamang nauudlot ang halik na iyon. Agad na siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo ,pupunta kasi siya sa mall ngayong araw upang mamili ng mga gamit niya sa opisina dahil magsisimula na siya on monday. She wear something comfotable isang white loose na t-shirt at maong na tokong lamang ang kanyang suot nakasumbrero siya ng plain maroon at nakawhite sneakers siya. Hindi na niya ginising si Abi dahil alam niyang puyat ito kagabi.
Nasa mall na siya and she's on her way sa bilihan ng mga dresses, she has enough money to buy some stuff because she's good in saving and dahil wala pa siyang work ,Abi won't allow her to spend lalong lalo na sa mga gamit sa apartment ,pagkain at even sa bayad ng apartment nila monthly.Hindi lang alam ng kaibigan pero hiyang hiya na siya rito dahil wala man lang siyang ambag na kahit konti. Nasa elevator na siya ng may pumasok na lalake hindi pa naman gaanong matanda pinatanda lang siya ng expression ng kanyang mukha, "Dala-dala siguro nito lahat ng problema sa mundo." wika niya sa sarili. Base sa kasuotan nito masasabi mong kabilang siya sa mga mayayaman dito sa mundo. "Gaano kaya kasarap maging mayaman?" biglang sambit nito sa kanyang utak. Noong bata siya'y may maiuwi lang na kahit puto o kutsinta ang ina ay masaya na ito.At parang langit naman ang kanyang pakiramdam kapag dinadala siya ng ina sa isang kilalang fast food kung saan bida ang saya.Ilang beses ba siyang nakapasok doon ? Limang beses lang ata. Dahil sa kapos sila ay mas inuuna ng kanyang ina ang pagkain sa araw-araw, tanging paglalaba lamang ang trabaho ng kanyang ina minsan naglalako din sila ng mga kakanin kung walang tanggap na labada si Aling Anna. Natigil ang paglalakbay ng kanyang isipan ng bumukas ang elevator. Nauna na ang lalake sa paglalakad ,nakita ni Malliah na nahulog ang wallet nito at agad niya namang pinulot at sinauli sa matanda,"Sir,ang wallet niyo po nahulog." wika nito ,ni salamat o tango ay wala namang natanggap ang dalaga. "Kadalasan talaga ang mayayaman kay hirap abutin." wika sa sarili. Hindi naman niya nilalahat dahil ang kaibigang si Abi ay may kaya naman sa buhay ngunit mabait ang kanyang buong pamilya sa kanya na lubha namang pinagpapasalamat niya sa Panginoon dahil nakilala niya ang mga ito. Nang makabili na ng gamit ay pumunta muna siya sa isang fast food na nakakapagpapaalala sa kanyang ina.Hindi man sila madalas kumain roon ngunit kung may sapat na pera ang kanyang ina ay dito sila nagpupunta . Habang hinihintay ang pagkain ay naagaw ang atensiyon niya sa matandang nakasabayan niya sa elevator naroon din siya sa fast food na iyon at kumakain na. "May pinagdadaanan nga ang matanda ." wika nito dahil mangiyak iyak itong kumakain ng chicken joy. Bigla tuloy naawa si Malliah sa matanda.Kaya sa isip niya hindi dapat husgahan ang kahit na sino because in the first place hindi natin alam ang totoong pinagdadaanan ng mga ito. Just be humble always para wala kang matapakang ibang tao. Hanggang sa dumating na rin ang kanyang order dahil sa gutom ay sa pagkain na nakatuon ang kanyang atensyon. Food is her weakness lalo na itong all time favorite niya.Nang lingunin ang kinaroroonan ng matanda ay wala na ito.
Pumara siya ng taksi,at agad ng umuwi.Gising na si Abi at naroon na rin si Brent. "Girl,why you didn't wake me up para nasamahan kita." ,sabi nito sa kanya. "I know you're tired ,bes and you deserve to rest." sagot naman nito. "Oh asan ang pasalubong ." parang batang naghahanap ng pasalunong sa kaibigan. Inilabas nito ang isang bucket ng chicken joy at isang pan na spaghetti ."Oh heto,nang di kana magtampo." sabay abot sa pagkain ,tamang tama na snack time na kaya't nagsalo-salo na sila sa meryenda and of course while watching Lee-Min-Ho.Nakasanayan na rin naman ni Brent na sakyan ang dalawa sa mga trip ng mga ito. "How about you two join me in our batch reunion tomorrow ?" tanong sa dalawa habang abala sa pagkain ang mga ito. "Are we batchmates anyway?" tanong naman ni Abi with her eye rolling. "Haha!nope,but we can invite anyone we want." sagot naman nito sa kasintahan.", "Infact,I'm doing this for Malliah ,may irereto ako sa kanya." bulong ni Brent kay Abi. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Abi. "That would be fun." sambit naman nito sa kasintahan. "And what are you talking both at kelanga niyo pang magbulungan?" tanong naman ni Malliah. "Bes ,can you do me a favor?" tanong ni Abi sa kaibigan. "And what is it? " agad namang sagot niya. "Join tayo kina Brent, kasi diba may work kana on monday and I bet there's no need for us to have bessy time na since we have both a hectic schedules." pagsusumamo nito. "Remember, you say NO again when I invited you to join me in our company's party,right? But now, I won't allow NO for an answer." nagtatampong tugon nito sa kaibigan. Hindi naman talaga mahilig si Malliah magparty or anything,sapat na kasi sakanya na kahit nasa bahay lang kasama ang kaibigan. But this time alam niyang hindi na niya kayang hindian ang kaibigan ,kaya wala na siyang nagawa but to say YES. "Anyway,what time are we going?" tanong ni Malliah."Don't worry ,umaga ko kayo susunduin.Anyway,the program will start
at 6:30 naman may fun run for a cause kasi kami and yung kikitain dun is idodonate namin sa isang orphanage." sagot ni Brent "Wow!sounds great! at least we can go there for such a great purpose." wika ni Malliah. "Actually ,that's why I'm inviting you para naman dumami ang malikom namin for the orphanage.So,magbaon nalang kayo ng damit bukas ,girls okay?"ani Brent. "Sure!" sabay namang tugon ng dalawa."So,5:30 am ko na kayo susunduin ,since 45 mins. ang biyahe from here to the venue para hindi tayo malate." sabi ni Brent sa dalawa. "Malliah,matulog ng maaga huh!and please wake up early." sabi naman ni Abi sa kaibigan . "You know me girl, never naman akong nalate ,right? unless-" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng agad nagsalita si Abi ."Exactly,that's my point!so please no Zyke tonight!" wika nito at diinan pa ang pagkasabi sa pangalan ng lalake na napapanaginipan nito. "So,pano uwi na ako para makapagpahinga kayo ng maaga." sabi ni Brent. "Okay,babe! see you then tomorrow." tugon naman ni Abi.