ALEX’S POV Bigla akong natigilan nang dahil sa sinabi ni Pareng Charles. Hindi imposible na malaman ni Clarice ang tungkol sa problema ko kay Klea at ang ginawa kong pagtataksil sa kanya. I took a deep breath and smiled. “Sasabihin ko rin sa kanya. Once, lumabas na ang bata at magkaroon ng DNA test result,” mabilis kong tugon. Tumango si Pareng Charles. “Dapat lang, dahil posible siyang mawala sa ‘yo. Once na malaman niya ang tungkol kay Klea. And you know that she is a quiet type of jealous girl,” muling paalala sa akin ni Pareng Charles. I know that Clarice is a jealous girl, even she’s always denied it. Malimit nga kaming mag-away na dalawa, nang dahil sa mga pagseselos niya. Tinapik ni Pareng Nathan ang mga balikat ko. “Kasama mo kami sa problema mo. What for na naging bestfriend

