CLARICE’S POV Simula nang makipaghiwalay ako kay Alex ay dumistansya na rin ako sa aking mga kaibigan, dahil hindi ko kayang makasama si Alex, sa isang lugar na pupuntahan naming. Kasalukuyang andito ako sa canteen at kumakain nang biglang dumating ang mga kaibigan ko at naki-share ng table sa akin. “Sis, bakit naman pati sa amin, umiiwas ka?’’ tanong ni Abby nang umupo siya sa harapan ko. ‘‘Oo nga naman, sis! Bakit pati kami? Kailangan mong iwasan? Kayo ni Alex ang may problema. At wala kaming alam do’n,” segunda ni Laya. Magsasalita na sana ako nang magsalita si Joyce. “Me... I know what happened in Greg’s party.” Napalunok ako at tumingin sa kanya upang siguraduhing alam nga niya. “Clarice, …there’s something that we need to know?” Lorraine asks me with curiosity.

