SECRET AFFAIR 3 (BALIW NA PUSO) CLARICE’S POV Pagkapasok na pagkapasok namin dito sa unit ni Nathan at dumiretso kami rito sa isang guest room. Sa isang silid natutulog sina Carlo at Joyce, sa katabing silid sina Rigor at Laya. Ganito kaming magkakaibigan sa tuwing inaabot kami ng gabi rito kina Nathan. Simula ata ng mag-college kami ay naging malaya na kaming gawin ang mga bagay na dapat ay mag-asawa lang ang gumagawa. Siguro nga ay mapupusok kami pero hindi naman kami katulad nang iba na papalit-palit ng boyfriend. Umupo si Alex sa kama at hinila niya ako paupo sa kanya. Pagkatapos ay tinitigan niya ako habang hinahaplos niya ang aking hita. “I love you,” sambit ni Alex. Ngumiti ako. “I love you too,” mabilis kong tugon

