Andito kami ngayon ni Alex sa talon at iniwan namin sina Nathan at Lorraine sa kubo upang magkasarilinan at makapagplano silang dalawa kung paano tatakas sa kasal na nakatakda sa kanilang dalawa. Nang sabihin sa akin ni Alex na pumayag nang magpakasal si Lorraine kay Francis ay hindi ako makapaniwala, dahil mahal na mahal ng aking kaibigan si Nathan. Hanggang sa nalaman ko rin mula kay Alex ang tunay na daihilan kung bakit napapayag si Lorraine. “Love, sa tingin mo? Matatakasan kaya ni Lorraine ang kasal nila ni Francis,’’ tanong ko sa aking nobyo. Nagkibit ng balikat si Alex at seryosong nagsalita. “Kilala ko si pareng Nathan, hindi niya isusuko si Lorraine.” Sabay hubad niya ng kanyang t-shirt at pantalon, pagkatapos ay tumalon na siya sa tubig. Tumingin sa akin si Alex na tila ba

