CLARICE’S POV Andito ako ngayon sa school registrar at gumagawa ng promissory note na magbabayad ako ng aking tuition fee sa susunod na linggo. Dahil kung hindi ako gagawa ng promissory note ay hindi ako makakakuha ng midterm exam. Habang nagsusulat ako’y naisip ko na kinakailangan ko na talagang maghanap ng trabaho para matugunan ko ang pag-aaral ko. Papatunayan ko sa aking mga magulang na makakapagtapos ako na hindi lalapit sa kanila. Hindi pa ako tuluyang natatapos magsulat nang may lumapit sa akin. “Love, what are you doing here? Kanina pa kita hinahanap,” tanong ni Alex sa akin. Tumingin ako kay Alex. “Gumawa kasi ako ng promissory note, para makapag-take na ako ng midterm exam,” mabilis kong tugon kay Alex.

