CLARICE’S POV Habang nag-iinuman sina Alex ay halatang naiinis sil asa presensya ni Bryan. “Kapal din naman ng mukha na maki-jamming sa atin!” narinig kong bulong ni Rigor na may kasamang galit. Ngumisi si Alex. “P’re, kaya nga may mga taong makapal ang mukha!” pabirong sabi ni Alex habang madilim ang mga matang nakatingin kay Bryan. Samantalang sina Nathan at Carlo ay parehong may tinatawagan at kung hindi ako nagkakamali ay si Charles ang tinatawagan nilang dalawa. Dahil hindi sila nawawalan ng pag-asa na babalik si Charles upang harapin si Abby at panindigan niya ang ipinagbubuntis ngayon ni Abby. Tumayo si Carlo at tumingin muna siya kay Abby bago tuluyan na makipag-usap sa tinawagan niya sa cellphone. Samantalang si Joyce naman ay napailing na lang habang sinusundan nang tingin

