CLARICE’S POV Katulad nang napag-usapan namin ni Alex ay ipinaalam namin sa aming mga kaibigan ang tungkol sa nalaman namin tungkol kay Charles, maliban na lang kay Joyce. Dahil ayaw naming na makarating kay Abby ang tungkol kina Charles at Cathy. “Pareng Alex, sigurado ka ba sa nalaman ninyo ni Clarice?” seryosong tanong ni Nathan kay Alex. Tumango si Alex. “Oo, p’re, ‘yon ang sinabi sa akin ni Tita Kassandra. Pero malakas ang kutob na pinilit lang niya si Pareng Charles para pakasalan si Cathy,’’ mabilis na tugon ni Alex kay Nathan. Lahat sila ay hindi makapaniwala na magagawa ito ni Charles kay Abby. Katulad namin ni Alex ay hindi sila naniniwala na basta-basta na lang iiwan ni Charles si Abby para ipagpalit kay Cathy. Ngumisi si Rigor. “Imposible ang sinasabi ni Tita Kassandra.

