Chapter 13

2038 Words
Mikaela POV Hindi naging maganda ang pananatili namin sa mundo ng mga diwata. Halos araw-araw atang may nagaganap na paligsahan sa kanila ng kakambal at pahirap ng pahirap yun. "Kaya pa ba, Michelle?" Tanong nya sa kakambal nyang halatang katulad nya hirap din. "Tinatanong paba yan, Mikaela? Hindi ba obvious?" Inis na turan nito. "Alam mo kambal, pakiramdam ko pag tumagal pa tayo dito. Matutuluyan na talaga ako." Natawa naman sya sa sinabi nito. "Matuluyan ma ano? Masiraan ba ng bait? Same same lang naman tayo." Sabi ko dito. Tinaasan naman sya ng kilay nito. "Anong same same? Halata namang may favouritism yang mystery guy na yan." Sagot nito sa kanya. Natawa nalang sya sa reaksyon nito. Hindi naman favouritism ang tawag dun. Sadyang magaling lang sya at laging na-nanalo. Ano naba ang score. 3-0? Itong kambal nya kasi halatang nagpapatalo talaga. Di baleng walang matulugan ng maayos. Basta makaalis dito. Sya bakit nga ba sya lumalaban? Dahil gusto nyang may komportable syang mahigaan? Umiling sya. Hindi naman yun ang dahilan nya. "Mga binibini ang inyong ikaapat na laro ay magaganap ngayon araw. Maghanda na kayo." Bungad sa kanila ni Servant Bulaklak. Unti-unti narin silang nasasanay sa mga kaanyuan ng mga kasama sa pananatili nila dito. Lalo na kapag gumagamit ang mga ito ng kapangyarihan at kapag lumilipad ang mga ito. "Bago magsimula ang laro. Kakausapin muna kita, Michelle." Sabi ng Prinsipe. Walang gana namang tumango ang kakambal at sumunod dito. Maya-maya ay dumating na ang dalawa. Kung wala sa wisyo kanina ang kakambal ay mukhang mas lalong nalugpok ata ito. "Anong nangyari? Ba't ganyan ang mukha mo?" Bulong ko dito. Sinamaan lang sya nito ng tingin. "Bakit hindi mo tanungin dyan sa Prince Charming mo? Bwesit!" Nagulat naman sya. Bakit pati sya nadamay? Natatawang biniro ko naman ito. "Hindi ko sya Prince Charming but soon to be husband mo. Baka nakakalimutan mo ikaw ang itinakda. Kaya galingan mo? Malay mo may twist pag natalo ka at magbago ang isip ni, Mystery Guy. Hindi ka parin makakauwi." Bulong ko muli dito. "Tse! Pareho lang kayo." Maktol pa nito. Tiningnan nya ang Prinsipeng masayang nakatingin sa kanya. Umiwas ito ng tingin ng magtama ang mata nila. Ang weird parin ng lalaking ito. After that day. Umiiwas na ito sa kanya. Siguro yun nga ang tamang gawin. Ayaw nya ring balang araw masaktan sya kapag pinagpatuloy nya ang pakikipag feeling close dito. "Ang alintuntunin ng ikaapat na laro ay--" Ito na naman sya. Si pabitin. Ang sarap bitinin. Baling nya sa kanang kamay ng Prinsipe. "Manghuhuli kayo ng ahas. Pabilisan sa pag-huli ng ahas. Ang may mabilis na magagawa ang laro ang syang mananalo." "Ano, ahas? As in snake? Hindi ba bawal sa kaharian nyo ang paglalaro sa ahas o anumang hayop?" Gulat na tanong ng kakambal nya. Natawa naman sya. Astigin kasi ito pero takot sa ahas. "Hindi bawal, Michelle. Dahil hindi nyo naman paglalaruan ang, ahas. Magiging bahagi lang sila ng paligsahan nyo at hindi naman sila masasaktan." "So, totoong buhay nga?" Ngiwi ng wika nito. Tumango naman ang lalaki. "Kambal. Mapa-patay o buhay. Alam ko namang parehong takot ka. Wag kang mag-alala. Mababait naman ang mga hayop dito." Sabi ko dito. Tinaasan sya naman nito ng kilay. "Anong mabait? Baka sayo, oo. Pero sa akin? First day palang. Galit na galit na sila." Maktol parin nito. "Ano kaba, kambal? Isipin mo nalang palaka yun o isda." Pagpupumilit ko dito. "Hindi naman madulas ang isda, eh? Palaka, oo pero parehong madulas. Mommy--tulong!!" Sigaw nito at tumakbo ng umalis. Natatawang napailing nalang sya. Nakita palang nito ang ahas na lumabas ng dila ay. Ayun! Nagtatakbo na. "Hoy! Michelle! Bumalik kana dito. Magsisimula na ang laro." Tawag ko dito. "Pwedi bang sumuko nalang bago pa simulan?" Pakiusap nito sa Prinsipe. Umiling ito. Kaya nawalan na talaga ito ng pag-asa. Nagpapadyak ito sa inis. "Ano ba kasi ang mga laro nyo? Puro mahihirap. Una maghanap ng prutas. Sunod manghuli na isda. Pangatlo manghuli ng ibon. Ngayon naman, ahas? Ano ang sunod, tigre o lion?" Maktol nito. Natawa naman ang Prinsipe. "Tama ka itinakda yun nga ang susunod. Kaya mo paba? Kung susuko ka. Mas lalong hindi kana makakabalik sa mundo nyo." Gulat na napatingin sila sa isa't isa ng kambal. Tama nga sinabi nya noon dito. Na baka sa huli may twist. Hindi lang nito sinasabi. "Dahil nakikita kong hindi mo binibigay ang lahat ng makakaya mo sa laro ay napagpasyahan kong hindi ka parin makakabalik sa mundo nyo at magiging alila dito. Magiging isa ka sa mga manggagawa. Ano, lalaban kaba?" Pananakot nito dito. Wala sa sariling tumango naman ito. "Wag kang mag-alala. Babawasan ko ang takot mo sa mga ahas. Pero hindi magiging patas kung hindi mo kakaharapin ang kinatatakutan mo dahil kapag hindi mo yun malalampasan. Hindi mo rin malalampasan balang araw ang mga problema at sakunang pagdadaanan mo sa kaharian." Paalala nito. Oo nga naman. Paano malulutas ng kambal nya ang problema kung simpleng takot pa ngalang hindi na nya kayang lampasan. Maya-maya ay kumumpas ito. "Magiging maliit sa paningin mo ang ahas, pero agad din mawawala ang bisa paglipas ng limang minuto. Sana madala mo dito ang ahas. Bago pa mawala ang bisa. Itinakda." Pagkasabi nito yun ay umalis na ito. Parang hangin lang sya sa paligid na hindi nito binalingan. Nasaktan ata sya dun. Pero slight lang. "Magsisimula na ang laro kaya--takbo!" Hudyat ni Servant Bulaklak. "Ah! Tulong!" Naririnig nyang sigaw ng kakambal nya sa di kalayuan. Napailing nalang sya. May advantage na nga ito. Kaloka talaga. Maya-maya ay may nahagilap syang puting ahas. Medyo malaki yun kaya hinabol nya. Ng akmang hahablutin na nya ito ay nagulat sya ng magsalita ito. "Kamusta, binibini?" Sabi nito. Nagsasalita? For real? Natulala sya at halos ilang sigundong hindi nakagalaw. Buti hindi tumulo ang laway nya. "Pasenysa kung nagulat kita, binibini." Sabi pa nito habang nilalabas ang dila. "Nagsasalita ka totoo nga?" Natawa pa ito. Tumatawa din? Aatakihin na ata talaga sya sa puso. "Isa akong dating diwata. Isang kawal sa palasyo." Namilog ang mata nya at napaisip. "Oh? Siguro may ginawa kang kasalanan noh? Kaya ka sinumpa. May inahas kaba sa palasyo?" Tanong nya dito. Nawala na sa isip nya ang paligsahan. Natawa na naman ito. "May kasalanan ako pero wala akong inagaw, binibini. Kung kasalanan magmahal. Eh, di mas gugustuhin ko nalang maging ahas. Habang buhay." Sabi nito. "Pwedi bang buhatin kita? Mag-uusap tayo habang naglalakad." Paalam ko dito ng maalala ang paligsahan. Kailangan nyang makabalik sa palasyo. "Oo naman." Mabilis na sagot nito. "So? Kaya ka naging ahas dahil kasalanan sa inyo ang magmahal, ganun?" Tanong ko dito. "Oo, kasalanan sa aming mga kawal ang magmahal ng maharlika." "Maharlika? Prinsesa?" Gulat na tanong ko dito. "Oo, binibini. Nagmahal ako ng Prinisesa. Nag-iisang kapatid ng Prinsipe sa kasalukuyan." Napatango-tango sya. "Kung ganun? Nasaan na ang Prinsesa, bakit hindi ko sya nakikita?" Tanong ko dito. "Hindi ko rin alam. Ang huling nalalaman ko, pinarusahan din sya at tuluyang nilayo sa akin. Prinsesa Dahlia ang kanyang pangalan. Pwedi mo ba akong tulungan binibini na malaman kung nasaan na sya ngayon?" Dahil sa narinig ay tumango sya. "Oo, tutulungan kita dahil tinulungan mo rin naman ako. So? Paano ba yan. Dadalhin kita sa kaharian dahil nasa paligsahan ako ngayon." "Sige, binibini." Maikling sagot nito at mabilis syang bumalik dala ang ahas. Alam nyang talo na sya dahil ang tagal nya. Pagbalik nya tama sya. Andun na nga ang kakambal nya at masayang niyayakap ng Prinsipe. Bigla syang nailang kaya mabilis syang umiwas ng tingin. Binigay nya ang dalang ahas kay Servant Bulaklak. Nagulat naman ito. "Ito?" Sabi nito. "Oo, bakit mag problema ba?" Naguguluhang tanong ko dito. "Servant Tulips--" "Oo may problema, Mikaela dahil ang dala mong ahas ay taksil na kawal namin. May sinabi ba sya sayo?" Umiling sya. Ayaw nyang sabihin based narin sa galit na reaksyon nito. "Servant Bulaklak! Itapon mo yan pabalik sa kagubatan at siguraduhing hindi makakapunta yan dito sa kaharian." "Opo! Maliwanag, Prinsipe!" Sigaw din nito ng makahulma at mabilis na umalis dala ang ahas. Galit parin syang binalingan ng lalaki. "Nakalimutan kong sabihin na hindi lahat ng ahas ay pweding kunin sa kagubatan. Dahil sa hindi pagbigay ko kaagad ng babala ay wala kang magiging kaparusahan." Sabi nito sa kanya at umalis na. "Ang unfair naman nun? Pag ako natalo may parusa pag ikaw wala?" Inirapan naman nya ito. "Unfair ka din naman ah, dahil tinulungan ka ng Prinsipe para kahit papaano ay manalo sa ngayong laro." Sabi ko dito. Maya-maya ay bumalik na si Servant Bulaklak na may pag-alinlangan parin. "Ang nanalo sa larong ito ay si, Michelle. Binigay na sayo ng Prinsipe ang kwentas na bulaklak. Kahit anong hingin mo ay mangyayari. Itinakda." Sabi nito sa kakambal kaya binalingan nya ang leeg nito. Oo nga may kwentas nang nakasabit. Hindi nya yun napansin kanina. Yun siguro ang nabungaran nya kanina. Binigay nito yun pagkatapos ay niyakap. Pinilig nya ang ulo dahil nag-uumpisa na naman syang malungkot. "Ah--Servant Bulaklak. Pwedi ba kitang makausap?" Pigil ko sa paalis na na kawal. Nag-aalangan naman itong bumaling sa kanya. "Ah--kasi may gagawin pa ako, binibini.." Sabi nito na nag-iwas ng tingin sa kanya. "Kahit saglit lang pwedi? Sige na. May itatanong lang ako. Importante." Nahihiyang tumingin ito sa kanya at sa paligid. Umalis narin ang kakambal nya. Tumango ito kaya sumunod sya dito. "Anong pag-uusapan natin, binibini?" Unang bungad nito. "Gusto ko lang sana malaman, kung nasaan na si, Prinsesa Dahlia? Hindi ko kasi sya nakikita dito." Gulat at takot naman ang makikita mo sa mga mata nito. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Prinsesa? Wag mong sabihin--" "Oo nagsinungaling ako. Ang totoo. Kinausap ako ni Servant--nung ahas. Gusto ko lang talaga malaman kung ano ang nangyari sa Prinisesa." Napayuko na ito. "Hindi mo kailangan malaman ang ganung bagay binibini. Higit sa lahat bawal pag-usapan yun dito sa kaharian. Kung gusto mo ng kasagutan ang, Prinsipe mismo ang tanungin nyo." Sabi nito at akma na sanang aalis pero pinigilan nya. "Isa nalang. Gusto kong malaman kung sino si, Servant Tulipsus." Bumaling itong muli sa kanya at may lungkot na sa mga mata. "Kapatid ko si, Servant Tulipsus at sya ang dapat ay kanang kamay ngayon ng Prinsipe. Pero dahil sa paglabag nya sa batas. Naparusahan sya." Nagulat sya sa narinig. Kaya pala ganun nalang ang reaksyon nito kanina. Kapatid pala nito yun. Mabilis na nagpaalam umalis ang lalaki. Maya-maya ay may nagsalita sa likuran nya. "Alam mo bang may kaparusahan ang pagbanggit sa mga taksil, Mikaela? Handa kaba sa magiging parusa?" Galit na tinig nito kaya mabilis syang humarap dito. Nanggagalaiti ito sa galit. Hinawakan nito ang magkabilang balikat nya. Mahigpit yun na parang masusugat na. Halos maiyak na sya sa sakit na dulot ng hawak nito. "Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ng lalaking yun! Sya ang sumira sa buhay ng kapatid ko! Kung hindi dahil sa kanya, hindi mapaparusahan at nandito pa sana kasama namin ang kapatid ko! Naintindihan mo ba?!" Sigaw nito. "Tama na, please--masakit na.." Pagmaamakaawa ko. Kaya mabilis ako nitong binitawan at tinalikuran. May mga luha ng pumapatak sa mga mata nito. "Nag-iisa kong kapatid si Prinsesa Dahlia. Kamukhang-kamukha nya ang mortal naming ina na matagal ng pumanaw. Pero dahil sa bawal na pagmamahalan nila ng kanang kamay ko. Pinarusahan sila ng ama. Ginawang ahas at kaylan man ay hindi pwedi tumuntong sa palasyo ang dating kanang kamay ko at ang kapatid ko--" Putol nito at biglang humarap sa kanya. "Buntis syang itinapon sa mundo ng mga mortal. Isa sa dahilan kung bakit lagi akong nasa mundo nyo para sya hanapin. Pero kahit anong gawin ko. Hindi ko parin sya mahanap. Kung buhay pa sila. Ngayon narinig mo na ang gusto mong marinig. Handa ka naba sa kaparusahan mo?" Gulat man ay nakangiti syang tumango. Naiintindihan nya ang lalaki. Kung sya ang nasa kalagayan nito. Masasaktan din sya ng sobra. Yumuko sya ng lumapit ito. Hinawakan sya nito sa mukha para paharapin dito. Tiningnan nya ang mga mata nito ng magtama ang tingin nila. Iba na ang emosyong nakikita nya dito. Walang sinayang na oras na bigla sya nitong hinalikan. Mapusok yun. Habang magkalapit ang mga katawan nila. Wala syang nagawa kundi sabayan ang bawat halik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD