Chapter 39

1667 Words

Tahimik na pinakiramdaman ko sya, hindi ko alam kung bakit ba kahit alam kong mali hinahayaan ko pa din yung sarili ko na magpakamali para sa kanya. Hayyy Eidrian ano ba talaga ang meron ka at bakit ang hirap hirap mong bitawan. You are very near to me yet so very far. Ang hirap hirap, huminga ako ng malalim bago ko sya dahan dahan na pinalayo sa akin. “Sobra sobra naman ata ang pagkamiss mo saken Dre,” sabi ko sa kanya. Natutuwa na ginulo nya ang buhok ko at masayang tumingin sa akin. “Ayan! Ayan ang Calixsha na kaibigan ko!” masayang masayang sabi nya at saka nanaman ako niyakap. Natatawang pinalayo ko naman sya sa akin. “Ano ba baka mamaya magkapalit na tayo ng mukha sa ginagawa mo nakakainis ka!” masungit na sabi ko sa kanya at saka ko sya itinutulak palayo ng bahagya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD