Right in front of me is Akira wearing Siege’s Jersey shirt as in yun ang suot nya lang hindi ko alam kung may short din sya or what. Hindi ko nga alam kung may suot pa ba sya under that shirt. Hindi pa nga ako kaagad na naka bawi ngumiti sya sa akin at saka ako inaya na pumasok. “Cali girl! It’s you pala! Siegfried is on the shower room pa halika come in!” masayang sabi nya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung pag aaya nya sa akin o ano. Pero alam ko sa sarili ko na ayokong magstay pa. “Ay oo magdadala lang sana ako ng fruits para kay Siege, ngayon lang kasi ako naka pasok at sabi nung barkada eh ilang araw na din daw syang hindi nakakapasok kaya naisipan ko na dalhan sya ng fruits,” sagot ko kay Akira. Naka ngiti naman nyang kinuha ang fruits at saka idinala sa k

