Third Party Mabilis na dumaan ang araw hanggang sa katapusan na ng buwan. Taon-taon ay may ginaganap na isang pagpupulong at pagdiriwang upang hirangin ang isang myembro ng Mafia sa pinakamataas na posisyon. Ito ay ang tinatawag na Mafia Foederis kung saan ay tinatalaga ang isang myembro bilang leader ng lahat ng Mafia. Upang maging unang posisyon ay kailangang lahat ng mga leader ng bawat bahay ay kailangang magboto kung sino ang gusto nilang Mafia leader. Ang posisyong ito ang pinaka makapangyarihan dahil lahat ng mga patakaran sa organisasyong ito ay masusunod. Ang Mafia leader din ang pinakamayaman dahil halos kalahati ng income ng bawat pamilya sa nasabing Mafia ay sa kanya napupunta. Kilala bilang walang awa, kinatatakutan, at ma-impluwensiyang tao ang Mafia leader sa organisasyo

