Harper Pagkatapos ng aming nakita sa sikretong kwarto na iyon ay napagdesisyonan nila Papa na tapusin ng maaga ang pagdiriwang ng aking kaarawan. Hinintay nilang makauwi ang lahat samantalang kami ni Sir Allan ay pinaghintay nila sa isang kwarto kung saan may fire place ito. Sa tingin ko ay isa itong salas ng bahay dahil may mga sofa rito. Sabay kaming napatingin ni Sir Allan sa pinto nang linuwa nun sina Papa, Mama at Karlos. Hindi lang iyon nagulat din ako na may kasama silang ilang kalalakihan ma may hawak na mga baril at nanatiling nakatayo sa pinto na parang nagbabantay. Agad ko naman sinalubong ang tingin sa akin ng aking mga magulang nang umupo sila sa tapat naming sofa. Si Karlos naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng sofa at katulad kanina ay wala nanamang emosyon sa ka

