Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan. Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit. “Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap. “Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang m

