Thalia's Point of view Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang loob ng banyo habang ang aking katawan ay nakalubog sa bathtub na puno ng tubig. Napabalikwas ako ng bangon mula sa bathtub ng huminto ang aking paningin sa dalawang babae na nakatayo sa bandang paanan ko kaya halos magtalsikan ang tubig sa sahig. "S-sino kayo? nasaan ako?" Magkasunod kong tanong bago mabilis na tinakpan ng aking mga kamay ang pribadong bahagi ng aking katawan na nakahantad sa kanilang paningin. Kumilos ang dalawang babae at lumapit sila sa akin, ang isa ay maingat na tumalungko sa aking tabi upang sabunin ang aking katawan habang ang isa naman ay pumwesto sa aking ulunan na mukhang may balak

